Kiko Matos on Baron Geisler: "I thought we were friends."

IMAGE Allan Sancon

Kiko Matos has some words of advice to Baron Geisler: "Kung seryosong gusto niya ng rematch, he should go to the gym and train.Hindi pwede yung lilitaw na lang siya bigla at maghahamon. Kulang na siya sa training sa ngayon."


Bakas ang saya sa mukha ng aktor na si Kiko Matos sa recent press conference ng 2017 Cinemalaya Independent Film Festival.

Kabilang siya sa cast ng dalawang entries sa 13th edition ng Cinemalaya.

Sa Ang Guro Kong Hindi Marunong Magbasa, kasama ni Kiko sina Alfred Vargas, Mon Confiado, at iba pa. Ito ay sa direksyon ni Perry Escaño.

Nakatrabaho naman ni Kiko si Sharon Cuneta sa Ang Pamilyang Hindi Lumuluha ni Direk Mes de Guzman.

Ani Kiko, “It feels surreal.

“First of all, dito ako nag-start in 2013, nung ginawa ko yung Babagwa.

“In the following years, I auditioned pero hindi ako nakapasa.

“It’s not easy to be part of Cinemalaya, kaya masaya ako na nakasungkit ako ng dalawang pelikula this year.

“It feels good to be back. Like I said, it feels surreal.”

Hindi ba siya nahirapan lumagare?

“Hindi naman.

Ang Guro Kong Hindi Marunong Magbasa started shooting in December 2016.

“Yung Ang Pamilyang Hindi Lumuluha naman, two shooting days lang talaga ako doon, kaya hindi naman nagkaroon ng conflict.”

UNPREDICTABLE BARON. Matapos ang presentation ng Cinemalaya team ay sumabak si Kiko sa mga one-on-one interviews kung saan tinanong siya tungkol sa aktor na si Baron Geisler.

Matatandaang ilang beses silang nagkaalitan ni Baron.

Hindi ba nagsasawa si Kiko sa paulit-ulit na tanong sa kanya tungkol dito?

“I accept everything,” ani Kiko.

“When you think about it, when you put something on the Internet, the worst reaction you can get is no reaction at all.

“I appreciate all the positive and negative comments because one day I’ll wake up and no one will know me.

“So for now, habang nangyayari lahat ng ito, I’ll ride the boat and enjoy.”

Kamakailan ay nagkagulo sa presscon ng URCC (Universal Reality Combat Championship) nang dumating si Baron at muli silang nagkaalitan ni Kiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Watch: WATCH! Kiko Matos slams Baron Geisler on a chair

“Nagulat ako sa nangyari pero hindi ako nagulat na he showed up, because I was told he would be there,” paliwanag ni Kiko.

“I didn’t know what he was up to. I thought he was there for support, then ganun pala. Gusto pala niya ng rematch.”

Ngunit iginiit ni Kiko na hindi siya galit kay Baron.

“I thought we were friends. It’s just that he’s very unpredictable.”

REMATCH. Sa ngayon, bukod sa pag-aartista ay abala si Kiko sa paghahanda para sa kanyang debut bilang professional MMA fighter.

Ayon kay Kiko, hindi siya aatras kung gusto talaga ni Baron ng rematch.

“If nagkita kami ni Baron, sasabihin ko sa kanya na mag-train siya.

“Kung seryosong gusto niya ng rematch, he should go to the gym and train.

“Hindi pwede yung lilitaw na lang siya bigla at maghahamon.

“Kulang na siya sa training sa ngayon.

“But yes, I’d be willing to fight him again.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN