Glaiza de Castro ignores hate messages online

IMAGE Noel Orsal

Glaiza de Castro on hate messages she receives online: "Hindi matapos tapos. Pero kahit pa anong sabihin niyo, hindi ko kayo sasagutin."


Tulad ng maraming artista, ayaw ni Glaiza de Castro na bigyan ng pansin ang mga taong umaaway sa kanya sa social media.

Sa kanyang Twitter account kahapon, July 23, sinabi ng Kapuso actress-singer na muli siyang nakakatanggap ng hate messages mula sa ilang netizens.

Ngunit sa halip na sumagot sa mga ito, mas pinili ni Glaiza na huwag na lang silang pansinin.

Sabi niya, “Hay may tweet na naman akong nabasa, inaaway na naman ako. Hindi matapos tapos. Pero kahit pa anong sabihin niyo, hindi ko kayo sasagutin.”

Hindi tinukoy ni Glaiza kung tungkol saan ang hate messages na natanggap niya.

Gayunman, mas gustong pagtuunan ng pansin ng Kapuso star ang mga magagandang bagay na nangyayari sa buhay niya ngayon.

Aniya, “Mas maraming magagandang nangyayari at mga nagmamahal kaya sila ang mas karapat dapat pansinin. Ika nga, 'Do not give the devil a foothold.'”

Marami sa kanyang fans ang sumang-ayon na huwag nang pumatol sa haters.

Pabirong hirit naman ni Glaiza tungkol sa pagpatol, “Wala tayong reresbakan, pakainin nalang nayin sila ng repolyo, baka sakaling sumaya sila. Hehehe.”

Ang sinasabi ni Glaiza na pagbibigay ng repolyo ay hango sa ilang eksena sa pelikulang Kita Kita, kung saan ang karakter na ginagampanan ni Alessandra de Rossi ay palaging nagbibigay ng nilutong repolyo sa karakter ni Empoy dahil nakapagbibigay raw ito ng saya sa tao.

Sa huli, sinabi ni Glaiza tungkol sa haters, “[H]abang nanggagalaiti sila sa inis, eto tayo natatawa at naawa sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN