Vice Ganda highlights Duterte's SONA tackling illegal drugs

IMAGE Instagram (@praybeytbenjamin)

Vice Ganda posts on social media a portion of President Rodrigo Duterte's second SONA, focusing on his campaign against illegal drugs. 


Isa si Vice Ganda sa mga artistang tumutok sa ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ginanap ang SONA ng Pangulo sa Batasang Pambansa sa Quezon City, nitong Lunes ng hapon, July 24.

Sa pamamagitan ng Twitter ay ipinaalam ni Vice na pinanonood niya ang talumpati ni Duterte.

Kapansin-pansin namang sa sumunod na dalawang posts ni Vice ay binigyang-diin niya ang pagtalakay ng Pangulo sa kampanya nito laban sa ilegal na droga.

Iginiit ni Duterte sa kanyang SONA na ipagpapatuloy niya ang kampanya laban sa ilegal na droga, sa kabila ng pagiging kontrobersiyal nito sa loob at labas ng bansa dahil umano sa maraming kaso ng extra-judicial killings.

VICE’S IG STORY. Ipinost ni Vice sa kanyang IG Story ang screenshot ng TV coverage ng SONA, kung saan nakasulat sa news ticker o crawler ang bahagi ng pahayag ni Duterte patukoy sa mga gumagamit ng ilegal na droga:

“I will make sure they will not have luxury of enjoying benefits of their greed.”


(Screenshot of Vice Ganda's post on his IG Story)

Narito ang bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte taglay ang nabanggit na pahayag:

“Despite international pressure and local pressure, the fight will not stop until those who deal with it understand that they have to cease, they have to stop because the alternatives are either jail or hell.

"And I will make sure, very sure that they will not have the luxury of enjoying the benefits of their greed and madness.

"I don’t intend to loosen the leash in the campaign or lose the fight against illegal drugs.

"Neither do I intend preside over the destruction of the Filipino youth by being timid and   tentative in my decisions and actions.”

VICE'S TWEET. Ni-retweet din ni Vice ang bahagi ng pahayag ni Duterte patungkol pa rin sa illegal drugs at kaso ng extrajudicial killings. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang bahagi ng transcription ng talumpati ni Duterte na ni-retweet ni Vice:

“To the critics against the fight, your efforts will be better spent if you use the  influence, moral authority, and ascendancy of your organizations over your respective sectors to educate the people on the evil of illegal drugs, instead of condemning the authorities and unjustly blaming for every killing that bloodies this country.

“But don’t get me wrong. I value human life the way I value mine. Each life that is snuffed out translates into future generations lost. It is like cracking the acorn from which oak tree grows, which in turn produce the seeds to complete the cycle of life in perpetuity.”

Isa si Vice sa mga kilalang artista na pabor o sumusuporta kay Duterte.

Sa katunayan, isa sana si Vice sa mga magpe-perform sa grand victory party ni Duterte sa Crocodile Farm, sa Davao City, noong June 6, 2016.

Ngunit hindi natuloy ang kanyang performance dahil sa technical problem dulot na rin ng napakalakas na buhos ng ulan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN