Phoebe Walker denies ex-boyfriend's rumored relationship with Allan K

IMAGE Noel Orsal / Glenn Regondola

"Hindi ko talaga alam kung siya talaga, pero idinenay niya sa akin. Sa pagkakilala ko sa kanya, hindi siguro," says Phoebe Walker about the past rumor that her ex-boyfriend Matt Edwards had relationship with comedian Allan K.


Pinabulaanan ng aktres na si Phoebe Walker ang balitang nagkaroon umano ng relasyon ang kanyang Filipino-British ex-boyfriend na si Matt Edwards sa TV host-comedian na si Allan K.

Sina Phoebe at Matt ang winners ng Season 2 ng The Amazing Race Philippines ng TV5 noong 2014.

Tatlong taon nang hiwalay sina Phoebe at si Matt, at bumalik na ang ex-boyfriend ng aktres sa United Kingdom.

Pero naungkat ang rumored involvement ni Matt kay Allan K. sa presscon ng Double Barrel, ang launching action movie ng aktres at ni AJ Muhlach, kahapon, July 24.

Ayon kay Phoebe, “Ang alam ko, family friends talaga sila.

"Nung una punta yata nila rito [sa Philippines], nag-guesting sila sa Eat Bulaga! bago pa kami nag-meet.

“Nung kami pa, ang sinasabi niya [Matt], walang pag-asa na pumatol daw siya.

"Pero may nabasa ako na article. Ifinorward ko sa kanya, sabi ko, 'Is this you?'

“Blind item, e. Kasi pasok na pasok, e... reality show winner ang clue.

"Ang sagot niya, ‘No, you know me. I will never do that.’

"Kami na ng bagong boyfriend ko nang makita ko yung article, so pinabayaan ko na."

Dagdag pa ng Seklusyon actress, “Hindi ko talaga alam kung siya talaga, pero idinenay niya sa akin.

"Sa pagkakilala ko sa kanya, hindi siguro."

CALLING IT QUITS. Tatlong taon tumagal ang relasyon nina Phoebe at Matt.

Pero humantong ito sa hiwalayan dahil naging pisikal na umano ang ex-boyfriend niya noong sumali sila sa Season 2 ng Amazing Race Philippines ng TV5.

Kuwento ni Phoebe: “After ng Amazing Race, saka kami naghiwalay.

"Nag-away kami, naging pisikal siya sa akin.

"Nakita naman yun sa TV, ipinalabas yun sa TV5, sa Amazing Race.

“Well, kaming dalawa actually ang nagkasakitan.

"Siyempre, yung instructions tapos pagod na kami, then hindi niya naiintindihan yung Tagalog.

“Binato niya ako ng tinapay sa mukha, sa loob kami ng taxi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parehas naman kami na mainitin ang ulo dati, pero mas British siya, kasi yung culture niya, dun siya lumaki."

Matapos ang reality show, napansin daw ni Phoebe na mas mabilis nang mapikon si Matt.

“Mas violent siya na mag-react kapag pikon, so parang sabi ko, ayoko na,” sabi ni Phoebe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN