Matteo Guidicelli reacts to John Lloyd Cruz's "timing" issue with Sarah Geronimo

IMAGE Noel Orsal

Nilinaw ni Matteo Guidicelli na hindi isyu sa kanya kung anumang espesyal na naramdaman noon ni John Lloyd Cruz para kay Sarah Geronimo. 


Nilinaw ni Matteo Guidicelli na hindi isyu sa kanya ang pag-amin ni John Lloyd Cruz na “timing” ang isyu kung bakit tila hindi natuloy sa totohanan kung anumang espesyal na naramdaman nito noon para kay Sarah Geronimo.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matteo sa media launch ng pelikulang Cars 3, sa SM The Block, noong Hulyo 20.

Dito ay ipinarating din namin kay Matteo ang sinabi ni John Lloyd na batid nitong masaya ang Popstar Princess sa love life nito ngayon.


Stories We Are Tracking

John Lloyd admits timing is an issue between him and Sarah
John Lloyd admits timing is an issue between him and Sarah

Ano ang komento ni Matteo rito?

Nakangiting sagot ng 27-year-old actor-triathlete, “He's a cool guy naman. So no problem.”

Siniguro rin ni Matteo na suportado niya ang pakikipagtrabaho ng girlfriend na si Sarah kay John Lloyd sa pelikulang Finally Found The One.

Lalo na’t noon pa man ay “fan” na raw si Matteo ng tambalang Sarah at John Lloyd.

Aniya, “I support their film. Okey naman lahat.”


Stories We Are Tracking

Matteo Guidicelli responds to Sarah Geronimo wedding rumors
Matteo Guidicelli responds to Sarah Geronimo wedding rumors
Sarah Geronimo gives warning to her future husband
Sarah Geronimo gives warning to her future husband


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN