Watch Now

Kim Chiu on cancelled Justin Bieber concert: "That's life, let's all move on."

by Melba R. Llanera
Jul 27, 2017
Kim Chiu is one of the many Justin Bieber fans in Asia who got disappointed with the cancellation of the remaining dates of the Canadian singer's Purpose Tour.

Marami ang curious malaman kung ano ang reaksiyon ni Kim Chiu sa pagkakansela ng natitirang bahagi ng Purpose Tour concert ng Canadian pop superstar na si Justin Bieber.

Nakatakda sanang magbalik sa Pilipinas si Justin para sa isang concert sa September 30, na gaganapin sa Philippine Arena, sa Bulacan.

Ngunit hindi na ito matutuloy pagkatapos ianunsiyo ang cancellation ng Purpose Tour sa ilang bahagi ng North America at Asia dahil kailangan daw magpahinga ng international singer.

Very vocal si Kim sa paghanga niya kay Justin.

Naging laman pa nga ng balita, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa international scene, ang pagsagot ni Justin sa mensahe ni Kim sa Instagram Live ng singer.

STORIES WE ARE TRACKING

Ianmin ni Kim na nalungkot siyang hindi na matutuloy ang concert ni Justin sa Pilipinas.

“Oo nga, nalungkot ako.

“Hindi lang naman ako, marami ang nalungkot.

“Pero siyempre, Hollywood star, choice nila yun

“May right kasi sila sa ganun pag gusto nilang magpahinga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto niya raw mag-rest...”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Kim sa NAIA Terminal 2 bago siya lumipad papuntang Toronto, Canada, para sa ASAP, kahapon, July 26.

Nalaman daw ni Kim ang tungkol sa cancellation ng concert ni Justin dahil sa dami ng notifications na natanggap niya sa kanyang Twitter account.

Kuwento niya, “Kahapon, sabog na sabog ang notification ko.

“Kahapon, paggising ko sa umaga, ‘Ano ito? One-thousand plus notifications sa Twitter. Ano ang nangyari?’

“Tapos, di ba, yun nga sa balita, nalungkot sila for me.

“Yung iba naman, ‘O, ano ka ngayon?’ ganyan. Parang ‘Hmmm, okay, parehas lang tayong fan dito.’

“So, ayun.”

Sabi pa niya, “Sobra ko talagang ni-look forward yung pagdating ni Justin, kahit di niya ako pansinin, mapanood ko lang siya.

“Lahat naman ng bumili ng ticket ay na-disappoint.

“Okay lang, that’s life, let’s all move on.”

Pero kahit hindi nakansela ang Purpose Tour ni Justin ay sa Hong Kong pa rin manonood si Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ako makakapanood dito dahil Star Magic Ball ang araw na ‘yan.

“Siyempre, mas malapit si Star Magic sa akin.

“Wala na... yun na lang ang salita, wala na.

“Next time na lang uli pag ganahan na siyang mag-tour,” sabi ng Kapamilya star.

Read Next
Read More Stories About
Kim Chiu
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu is one of the many Justin Bieber fans in Asia who got disappointed with the cancellation of the remaining dates of the Canadian singer's Purpose Tour.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results