Jodi Sta. Maria happy being friends with Iwa Moto, her ex-husband's partner

IMAGE Jodi Sta. Maria & Iwa Moto Instagram

Jodi Sta. Marian on Iwa Moto: "Nakakatuwa na healthy at maganda ang relationship namin sa isa't isa."


Marami ang natuwa sa Instagram post ni Jodi Sta. Maria kung saan makikitang kasama niya si Iwa Moto sa isang gym.

Si Iwa ang current partner ngayon ni Pampi Lacson, ang ex-husband ni Jodi.

Ang dalawang aktres ay may kani-kaniya supling kay Pampi.

Sabi ni Jodi sa pagiging gym buddies nila ni Iwa, “Magkaibigan naman kami.

“Nakakatuwa na all is well.

“Nagdyi-gym naman talaga siya.

Paano sila nagkasabay mag-workout?

Kuwento ng Kapamilya actress, “One time lang, tinanong ko lang kung may gagawin siya.

"Sabi lang niya wala siyang gagawin.

“Napag-usapan namin, ‘Tara, sabay na lang tayo mag-gym.’” 

Kailan nangyari ang gym bonding nila ni Iwa?

“Very recent lang yun. Hopefully, pagbalik ko [maulit].”

Hindi ito ang unang pagkakataong nakitang magkasama sina Jodi at Iwa sa litrato.

May mga post din sina Jodi at Iwa noon kasama ang kani-kanilang mga anak.

Ayon kay Jodi, itinuturing niyang extended family si Iwa at ang anak nito.

“Siyempre isang family na rin kami di ba?

“Nakakatuwa na healthy at maganda ang relationship namin sa isa’t isa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Jodi sa NAIA Terminal 2  kahapon, July 26.

Kasama siya ng ASAP cast and crew patungong Toronto, Canada.

REUNION WITH “SER CHIEF.” Samantala, nagkuwento rin si Jodi tungkol sa kanyang pinagkakaabalahan ngayon.

Ito ay ang seryeng pagsasamahan nila nina Robin Padilla at Richard Yap.

Excited daw si Jodi na makatrabaho si Robin sa kauna-unahang pagkakataon.

Ano ang masasabi niya sa action star?

“Grabe, masaya, magaang katrabaho, talagang maalaga, di lang sa aming mga artista kundi sa lahat.”

Excited din ba siya sa muling pagsasama nila ni Richard, na una niyang nakapareha sa seryeng Be Careful With My Heart at muli sa pelikulang Achy Breaky Hearts?

Sagot ni Jodi, “Oo, siyempre after Achy Breaky Hearts, ito na lang ulit yung pinagsamahan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa na makasama ulit siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN