Marian Rivera says goodbye to sweet roles and sexy image: "Gusto ko talagang maging nanay."

IMAGE Anj Sampayan

Marian Rivera on choosing her roles: "Siguro dun ako sa pag pinanood ako ng anak ko, puwede." 


Masayang ibinahagi ni Marian Rivera na balik na sa 19 inches ang kanyang waistline.

Kuwento ng Kapuso actress, lumaki raw ito sa 24 inches pagkatapos niyang isilang noong 2015 si Zia, anak nila ng mister na si Dingdong Dantes. 

Gusto raw niyang patunayang hindi hadlang ang pagiging nanay at pagkakaroon ng asawa para alagaan ang sarili.

Pahayag ni Marian, “Natutuwa ako kasi gusto ko iparating din o gusto kong maging magandang ehemplo sa mga magiging nanay at takot maging ina na hindi dahilan ang pagkakaroon ng isang anak at isang asawa para hindi mo alagaan ang sarili mo.

“So, gusto ko na i-embrace nila yung feeling, kasi ang sarap ng pagkakataon na magkaroon ng asawa at anak.”

Pinipili na rin daw ni Marian ang roles na kanyang gagampanan o tatanggapin.

Tapos na raw siya sa pa-sweet na role at pa-sexy na image.

Si Marian ang kauna-unahang FHM Sexiest Hall of Famer sa bansa dahil sa pagiging Sexiest Woman in the Philippines ng tatlong beses.

Aniya, “Siguro dun ako sa pag pinanood ako ng anak ko, puwede.

“Hindi naman lahat puwede kong piliin.

"Pero parati kong sinasabi, pag bibigyan ako ng proyekto ng GMA, tapos na ako dun sa pa-sweet, tapos na ako dito sa pa-sexy.

"Kasi ine-embrace ko talaga ang pagiging ina, gusto ko talagang maging nanay at pangarap ko talagang maging nanay.

“Ito nga ang sinasabi ko kanina na gusto kong maging ehemplo sa mga takot maging nanay, takot manganak.”  

ON GETTING OLD. Napi-pressure ba si Marian na dapat lagi siyang maganda, gaya ng inaasahan ng publiko sa kanya? O natatakot siyang tumanda?

Tugon ni Marian, “Hindi naman.

"Kaya nga sabi ko, gusto kong maging ehemplo sa mga kababaihan na hindi porke’t may anak ka, kailangan mong pabayaan ang sarili mo.

“May mga paraan naman para maalagaan mo ang sarili mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, kung sinasabi ko kung hindi mo naalagaan, tapos feeling nila, ‘Ay, ba’t parang nag-mature na siya?’ Okay lang yun. Ganun talaga ang buhay.

"Darating tayo sa pagkakataong magma-mature tayo, tatanda tayo. Yun ang buhay, e."

Patuloy niya, “Hindi ako takot. Ba’t ako matatakot kung bibigyan ako ng marami pang anak? Okay lang ‘yan.

“Tsaka nakita naman nila ako nung bagets ako, wala silang masasabi [nung] bagets ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN