Pancho Magno-Max Collins wedding might not happen this year

IMAGE Max Collins Instagram

Pancho Magno on wedding plans with fiancée Max Collins: "Mapi-feel namin iyon, e, na ito na, 'A, ito gusto natin ito, gusto natin.' Tapos ngayon, iyon nga, nagme-marriage prep pa kami sa church namin, kasi process iyon, e."


Marami ang nag-aabang kung kailan magaganap ang kasal ng Kapuso couple na sina Pancho Magno at Max Collins.

Ito ay pagkatapos nilang ianunsiyo ang kanilang engagement noong May 14, 2017.

Pero ayon kay Pancho, “Kasi inaano namin, kung magdi-this year kami, wala kaming time asikasuhin.

“May show ako, ito ngang Haplos, tapos siya may gagawin pa. Umuulan pa.

“So, sabi namin, huwag muna tayong mag-isip.

“At least ngayon, nag-marriage prep kami sa church namin, kaya huwag munang mag-isip.

“Kasi pag once naano… ang bilis niyan, e, magsasabay-sabay na.”

Can't stop! Won't stop! ??? @maxcollinsofficial @previewph #PREVIEWXXII

A post shared by Pancho Magno (@magnopancho) on

Kung si Pancho ba ang masusunod ay ayaw niyang palampasin ng isang taon ang pagpapakasal nila ni Max?

Tugon ng Kapuso actor, “Mapi-feel namin iyon, e, na ito na, ‘A, ito gusto natin ito, gusto natin.’

“Tapos ngayon, iyon nga, nagme-marriage prep pa kami sa church namin, kasi process iyon, e.”

Sa Victory Christian Fellowship sa Greenhills ang church nila.

Bago ba o pagkatapos ng June 2018 ang kasal nila; since May 2017 sila naging engaged?

“Sa akin nga po, kung kaya next week, why not?” sabi ni Pancho.

“Pero mahirap! Kasi isipin mo, lahat, sa ano, kung sino ang maggaganyan, kung sino ang ganito, ang contingency plan, pag umulan, flooring…

"Ang hirap, e, mahirap.

“Sabi namin, talagang pag pinaghandaan...

“Even mga friends ko, yung process nila, yung preparation, yung iba, one to two years, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pancho sa pocket presscon ng afternoon drama series na Haplos, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center nitong Huwebes, July 27.

THE FUTURE HUSBAND. Itinuturing si Pancho bilang isa sa hunks sa bakuran ng Kapuso network.

Pero naniniwala ba siyang kapag nag-asawa na ang isang male celebrity ay nababawasan ang “market value” nito o nababawasan ang mga nagnanasa dito?

“Siyempre ako, hindi naman mawawala na… basta happy naman ako pag pinagpapantasyahan ako ng asawa ko lagi!” natawang sabi ni Pancho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paano kapag hindi na siya pagnasaan ng ibang babae o ng mga bading?

“Kahit na ano, okay lang po.”

Ayaw ba niya kapag pinagpapantasyahan siya ng iba?

“Hindi naman pantasya na ano, yung ina-admire, yung ganun, admiration.”

Kapag kasal na sila ni Max, may mga ipagbabawal na ba siya rito bilang asawa?

Bawal na bang magpaseksi si Max sa projects at pictorials? Bawal na ba ang kissing scene o love scenes?

Ayon kay Pancho, “Hindi naman, nasa sa kanya na yun.

“Alam niya ang dapat at hindi dapat.

“Kasi ako, may kissing scene ako.

“Hindi naman bawal, kung puwede naman gawin na maayos, hindi naman yung kissing scene na parang… alam mo yun?”

Ilang anak ang gusto ni Pancho?

“Kasi gusto kong magtayo ng basketball team!” natatawang biro niya.

“No, no… wala pa kami diyan, pag-uusapan pa namin ‘yan.”

Pero kung si Pancho ang masusunod?

“Andun ako sa ano, e, para maging equal, isang babae, isang lalaki.”

Dalawa lang?

“Para mag-start muna.

"Siyempre mahirap din yun para sa mga girls siyempre. Mahirap para sa asawa.

“Tapos pag ano na sila, tsaka tayo maglagay ng isang sentro, isang point guard!” at muling tumawa ang Kapuso actor.

Magli-limang taon na ang relasyon nina Pancho at Max.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN