Kakai Bautista: "Ang MAHALAGA hindi ka Natakot maging TOTOO."

IMAGE Noel Orsal

Comedienne-singer Kakai Bautista's realization: "PinakaMagandang aral is Just to be TRUE. ANG Importante talaga ay Honesty sa Buhay."


Puno ng hugot ang social media post ng singer-comedienne na si Kakai Bautista tungkol sa Finally Found Someone, ang pelikulang pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

Nagbukas sa mga sinehan ang pelikula nito lamang Miyerkules, July 26.

Ibinahagi ng Star Cinema AdProm head na si Mico del Rosario, via Instagram, ang screenshot ng Facebook post ni Kakai tungkol sa pelikula.

Pinuri ng aktres ang pelikula at marami raw siyang natutunan dito.

Nag-focus ang post ni Kakai tungkol sa pagpapakatotoo.

Sabi niya, “pinakaMagandang aral is Just to be TRUE. ANG Importante talaga ay Honesty sa Buhay.

“It doesn’t matter kung masaktan ka o mabigo, or pagtawanan ka ng iba – ang MAHALAGA hindi ka Natakot maging TOTOO.”

Wala mang binanggit si Kakai na pangalan o partikular na karanasan sa kanyang post, hindi maiwasan ng ibang netizens na ikonekta ito sa mga pangyayari sa buhay ng comedienne-actress.

Kamakailan kasi ay nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ni Kakai at ng dating na-link sa kanyang si Ahron Villena.

Noong nakaraang linggo, sa isang press conference ng upcoming comedy concert ni Kakai ay ikinuwento nito ang pagbabati nila ni Ahron.

Dito ay nasambit ni Kakai ang mga kataging “Accepted ko naman kung ano man siya,” patukoy kay Ahron.

Hindi naman ito nagustuhan ni Ahron.

Inalmahan ng aktor ang sinabi ni Kakai na aniya’y pagkuwestiyon sa kanyang kasarian.

Naging maanghang din ang pahayag ni Ahron nang i-post niya na “NEVER naging tayo,” bilang paglilinaw na hindi sila nagkaroon ng relasyon ni Kakai.

Samantala, ni-retweet ni Kakai ang tweet ni Mico tungkol sa kanyang post, pero hindi naka-public ang post na ito sa Facebook account ng comedienne-singer.  

 


Stories We Are Tracking

Old flames Kakai Bautista, Ahron Villena bury the hatchet
Old flames Kakai Bautista, Ahron Villena bury the hatchet
Ahron Villena to Kakai Bautista:
Ahron Villena to Kakai Bautista: "Naging tayo ba?"
Ahron Villena apologizes for
Ahron Villena apologizes for "NEVER naging tayo" statement
Kakai Bautista shrugs off negative comments about her
Kakai Bautista shrugs off negative comments about her


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN