Ivan Dorschner takes a break after success of Meant To Be

IMAGE Noel Orsal

Marami ang makaka-miss sa Kapuso hunk na si Ivan Dorschner dahil lumipad ito papuntang U.S. para sa magbakasyon ng isang buwan.


Marami ang makaka-miss sa Kapuso hunk na si Ivan Dorschner dahil lumipad ito papuntang U.S. para sa magbakasyon ng isang buwan.

Umalis si Ivan patungong Los Angeles, California, noong Biyernes, July 28.

Sa panayam kay Ivan ng news program na 24 Oras, sinabi nitong magbabakasyon muna siya para makapagpahinga at makapiling ang kanyang pamilya.

Simula kasi nang gawin ni Ivan ang Kapuso primetime series na Meant To Be, naging in-demand siya ulit at kabi-kabila ang naging trabaho niya. 

Bukod sa maraming TV guestings, naging endorser pa siya ng isang kilalang clothing brand.

Ayon kay Ivan, “Gusto kong matulog nang mahaba.

“Makakasama ko naman ang mga kapatid ko na hindi ko nakikita nang matagal na.”

Bago siya umalis ay binigyan siya ng despedida party ng buong cast at crew ng Meant To Be.

“We had a despedida party at kumpleto kami nila Barbie, Ken, Jak, at Addy na bumalik na from India.

“Sagot naman ni Direk L.A. [Madridejos]. Siya ang nagbayad ng mga kinain namin!” natatawang kuwento ni Ivan.

Mas natutuloy pag biglaan. Nakakamiss kayo!

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

Sasamantalahin din daw ni Ivan na mag-training habang nasa bakasyon siya.

Paghahanda raw ito para sa susunod na TV project niya sa GMA-7.

“Magdyi-gym ako and meron akong martial arts and parkour training,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN