Winwyn Marquez convinced by boyfriend Mark Herras to join Miss World Philippines 2017

IMAGE Noel Orsal

Winwyn Marquez will once again try her luck in a beauty pageant by joining Miss World Philippines 2017.


Si Mark Herras ang nagkumbinsi kay Winwyn Marquez na sumali sa Miss World Philippines 2017 dahil alam niyang pangarap ng girlfriend na maging beauty queen.

Unang sumali si Winwyn sa Binibining Pilipinas noong 2015, pero hindi siya pinalad na manalo.

“He wants me to join talaga kasi sobrang lagi kong binabanggit na gusto kong sumali ulit, ayokong mag-regret,” sabi ni Winwyn nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa wine tasting dinner ng Liquor Kingdom sa Sofitel.

Ayon kay Winwyn, apat na beauty titles ang paglalabanan ng official candidates ng Miss World Philippines 2017: Miss World Philippines, Miss Eco International Philippines, Miss Multinational Philippines, at Reina Hispanoamericana Filipinas 2017.

Kaya hindi siya nawawalan ng pag-asang makukuha niya ang isa sa mga korona.

Inamin ni Winwyn na mas apektado ang kanyang mga magulang na sina Alma Moreno at Joey Marquez, pati na ang tiya niyang si Melanie Marquez, nang matalo siya sa Binibining Pilipinas 2015.

Sabi ng Mulawin vs Ravena actress, “Heartbroken siya [Melanie]. Mas apektado pa nga ang parent ko, ang tita ko, kesa sa akin.”

Isang taon at pitong buwan na ang relasyon nina Winwyn at Mark.

Kung papalarin siyang manalo sa Miss World Philippines 2017, nangangahulugan itong hindi pa sila puwedeng magpakasal ni Mark.

“Okey lang. I wanna win a crown first.

"Hindi ako biniyayaan the last time me joining…" ang reaksiyon ni Winwyn sa posibilidad na maghihintay si Mark ng isang taon bago sila lumagay sa tahimik.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN