Dennis Padilla recalls first meeting with daughter Julia's alleged BF Joshua Garcia

IMAGE Instagram: @dennisastig, @imgarciajoshua

Dennis Padilla (left) on daughter Julia Barretto's alleged boyfriend, Joshua Garcia (right): "Okay naman. Mabait saka mahiyain. Actually, di ko alam kung nahihiya siya o natatakot siya sa akin. Anyway, very respectful na bata. Gusto ko siya, very low key."

 


Sa mga interviews kay Joshua Garcia ay nabanggit nito na personal na niyang nakilala ang ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla nung Father’s Day.

Maganda naman ang impression ng komedyante sa rumored boyfriend ng anak.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Dennis sa cast party ng Finally Found Someone noong nakaraang Lunes, July 24, sa Seda Hotel sa Quezon City, kinuwento niya kung paano sila unang nagkita ni Joshua.

Sabi niya, “Actually, nung kausap ko si Julia that day, sabi niya, 'Schedule natin Papa yung Father’s Day celebration.'

“Sabi ko, 'Itong coming week? Baka marami ka rin na trabaho, baka gusto mo mamaya na lang?'

“Biglaan lang yun, on a Sunday.

“Sabi niya, 'Sige, mamayang gabi na lang.'

“Nagkita kami nung gabi, then sabi niya, 'Kuha mo ako ng parking kasi ako ang nag-drive.'

“Sabi ko, 'Sige, may ni-reserve na akong parking, dito lang sa malapit sa ABS.'

“Pagbaba niya, nakita ko na may tao dun sa kotse.

“Pagbaba niya kasama niya si Joshua. Sabi niya, 'Papa, si Joshua.'

“Okay naman. Mabait saka mahiyain.

“Actually, di ko alam kung nahihiya siya o natatakot siya sa akin.

“Anyway, very respectful na bata. Gusto ko siya, very low key.

“Walang label, basta nung medyo matagal na kaming nagkukuwentuhan, tinanong ko lang si Joshua, sabi ko, 'Pare, nanliligaw ka ba dito?'

“Hindi siya nakasagot. Tumingin lang siya kay Julia tapos si Julia tumingin sa akin.

“Tapos, si Julia tinanong ko, 'Nanliligaw ba sa iyo ito?'

“Di rin sumagot, e. Siguro nga nanliligaw.”

Masaya naman si Dennis na nakikita niya ang effort ni Joshua sa anak.

Kinuwento rin ng aktor na anak na nga ang tawag niya sa kapareha ni Julia.

“Oo, nakikita ko naman yung effort.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay naman, basta mamahalin mo lang ang anak ko, wala naman tayong problema.”

“I texted him, sabi ko, 'Anak, maraming salamat, ganyan, ganyan.

“Basta mayroon akong message, sabi niya, 'Okay po Tito, thank you po Tito.'

“Happy naman ako dahil happy naman ang anak ko.

“Di naman niya siguro isasama yun kungdi espesyal.

“Twenty years old na naman si Julia. She’s a very intelligent woman and I know alam niya kung ano ang mga dapat at di dapat gawin.

“Sigurado ako dun.”

LOOK-ALIKES? Marami ang nagsasabi na malaki daw ang hawig ng current partner na si Linda Gorton sa ex na si Marjorie Barretto.

Para naman kay Dennis, nasasabi lang ito ng iba dahil parehong mestiza ang dalawa.

Paglinaw niya, “Hindi naman, pareho lang mestiza.

“Magkaiba sila, kaya lang parehong mestiza kaya ganun.”

Nababalitang may hidwaan sa ngayon si Marjorie kay Dani, ang anak niya kay Kier Legaspi.

Ayaw namang magkomento ni Dennis tungkol dito dahil di niya raw alam ang tungkol sa isyu.

“Di ko alam.

“Kapag nakikita ko naman yung mga pictures ni Dani, ni Daniela, nagme-message lang ako.

“Talaga namang parang anak ko na rin yun.

“Di pa pinapanganak yun, kami na ni Marjorie.

“Dati Baldivia din ang gamit nun e, buong elementary.

“Napalitan lang ng Barretto nung 2008.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN