Joshua Garcia explains why he and Julia Barretto wore face masks while malling recently

IMAGE Noel Orsal

Joshua Garcia explains why he and alleged GF Julia Barretto wore face masks while malling recently: "Wala naman yun sa nagtatago kami. Siguro lang gusto lang namin na di magkagulo. Pangit naman yung gusto naming maglakad na kaming dalawa tapos may biglang magpapa-picture tapos mahihindian lang namin."


Nakatanggap ng pambabash sina Julia Barretto at Joshua Garcia mula sa ilang netizens dahil sa kumalat na larawan kunsaan naka-mask sila habang naglalakad sa isang mall.

Ayon sa komento ng iba, feeling sikat daw ang magkapareha at pakiramdam nila ay pagkakaguluhan sila kaya minabuti nilang magsuot ng mask para hindi sila mapansin sa isang pampublikong lugar.


Depensa naman ni Joshua nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noong nakaraang Miyerkules, July 26, sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport para sa ASAP Tour in Toronto, bukod sa may mga ineendorso silang produkto ay ayaw lang nila ni Julia na hindi mapagbigyan ang lahat ng gustong magpakuha ng larawan kasama silang magkapareha.

Paglinaw niya, “Alam naman ng mga tao kung gaano kami ka-down to earth,

“Hangga’t maari kailangan palagi kaming nasa ilalim.”

Nilinaw ni Joshua kung bakit sila nagmaskara noon.

Lahad niya, “Kasi ako nung araw na yun, siguro ano lang kami sa trabaho ni Julia.

“Sobrang sagad kami sa trabaho, gusto lang kasi namin pareho na manood ng Spider Man.

“Nung nagpunta kami ng mall, may mga binibilhan kami na kailangan di kami nagpupunta dun, may mga ineendorso kasi kaming produkto.

“Nadadaanan lang namin yun, ayaw naman naming mawala mga endorsements namin.

“Wala naman yun sa nagtatago kami.

“Siguro lang gusto lang namin na di magkagulo.

“Pangit naman yung gusto naming maglakad na kaming dalawa tapos may biglang magpapa-picture tapos mahihindian lang namin.

“May mga mapagbigyan man kami, tapos may mga hindi kami mapagbigyan, nakakalungkot naman para sa kanila.”

Siniguro din sa amin ng aktor na hindi lumaki ang ulo nila ni Julia o yumabang gaya ng pinaparatang sa kanila ng ilang netizens.

MEETING JULIA'S DAD. Sa pagkikita naman nila ni Dennis Padilla nung nakaraang Father’s Day ay masaya si Joshua na naging maganda ang impresyon at masaya ang naging bonding nila ng ama ng rumored girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkita kami nung Father’s Day.

“Siyempre masaya, mahirap kunin yung loob ng tatay, pero masaya ako na nagkaroon ako ng bagong kaibigan—parang tatay na rin sa akin.

“Masaya ako na naging ganun ang kinalabasan.

“Naglu-look forward pa ako sa mga magiging bonding pa namin together.”

Naging matagumpay din ang huling pelikula nila Julia at Joshua—ang Kath, Vince and James, kunsaan kasama nila si Ronnie Alonte.

Sa ngayon ay malapit nang matapos ang pelikula na pagtatambalan nila muli ng aktres.

“Masaya naman kami.

“Yung movie namin malapit na, nakakalahati na kami. Pinalabas na yung teaser.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN