James Reid stands by Nadine Lustre's statement on live-in relationships

IMAGE Noel Orsal

James Reid defends girlfriend Nadine Lustre's earlier statement about live-in relationships: "I don't know about it, but I like Nadine's answer. It's true."


Isa sa mga artistang paboritong i-bash at maging laman ng mga balita sa ngayon ay ang tambalang James Reid at Nadine Lustre.

Kamakailan nga ay tumanggap ng negatibong reaksyon si Nadine sa naging pahayag nito na pabor siya diumano sa live-in relationships.

Read: Nadine Lustre shrugs off negative reaction to her statement about living-in

Nabuo tuloy sa isipan ng marami na kung pagbabasehan daw ang naging sagot ni Nadine, baka nagsasama na sila ni James kahit wala pang basbas ng kasal.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay James sa set ng ASAP noong nakaraang July 23, sinang-ayunan naman ni James ang naging pahayag ng kasintahan.

Sabi niya, “I don’t know about it, but I like Nadine’s answer.

“It’s true.”

FIT OF ANGER? Nabalita din kamakailan na binabato raw ni Nadine sa sahig ang cellphone nito kapag nagagalit ito kay James.

Hindi naman aware ang aktor sa isyung ito ng girlfriend.

Balik-tanong niya, “What’s that?

“Well, she tells me sometimes but it doesn’t bother her anyway.”

ON NADINE'S BEST FRIEND. Na-bash si James nang kumalat sa social media ang larawan kasama ng aktor ang best friend ni Nadine na si Mika Tan.

Kasabay nito ang mga isyu na nagde-date daw nang palihim ang dalawa.

Agad namang nag-react si Nadine sa isyu at klinaro na walang katotohanan ang isyu na ito.

Para naman kay James, naiintindihan niya kung bakit ito pinalaki ng ilang fans nila.

Paglinaw ni James, “There’s no problem, I guess everyone is making a big fuss about that.

“She’s actually Nadine’s best friend.

““They are just being fans, they are just being protective.

“I understand. Just relax.”

Siniguro din sa amin ng aktor na masaya at maayos ang relasyon nila ni Nadine.

“We’re great, we’re perfect.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT AFFECTED BY BASHING. Nang tanungin namin kung apektado ba siya kapag naba-bash siya sa social media, pinagkikibit-balikat na lang niya ito.

Lahad niya, “Affected? Not at all.”

Napapanood araw-araw si Nadine sa It’s Showtime at tuwing Sabado naman si James.

Nag-e-enjoy naman nang husto ang aktor sa pagiging host niya sa show.

“Yeah, of course.

“I'm having a lot of fun and Vice is a lot of fun.

“I think hosting is really not for me but I am having fun and I’m learning a lot,” pagpapasalamat niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN