Queenie Padilla hits netizens criticizing her for not showing daughter's face

IMAGE Instagram

Queenie Padilla to her critics: "Not that I value any negative opinion, but seriously if you don't like the fact that I don't show my daughter's face then stop stalking my Instagram."


Inalmahan ni Queenie Padilla ang netizens na bumabatikos sa kanyang bagong-silang na anak na babae na si Mustahsina Mikailah Mir.

Kaugnay ito ng desisyon ni Queenie na huwag ipakita ang mukha ng anak sa mga larawang ibinabahagi niya sa Instagram.

May ilang netizens ang nagkomento kaya raw ayaw ipakita ni Queenie ang anak ay dahil sa pisikal na katangian nito.



Hindi pinalampas ni Queenie ang naturang komento.

Base sa kanyang Instagram story kagabi, Hulyo 31, buwelta ni Queenie: "Not that I value any negative opinion, but seriously if you don't like the fact that I don't show my daughter's face then stop stalking my Instagram."


Nauna nang sinabi ni Queenie na bagamat nais niyang magbahagi ng larawan ng anak, hindi niya ipapakita ang mukha nito sa kanyang social media posts.

Sa kanyang Instagram post noong Hulyo 27, sabi ni Queenie, "As much as I want to share her to the world, I have made a decision not to post her face on social media.

"My daughter's privacy and protection means the world to me."

Sa kabilang banda, may ilan ding netizens ang nagpahayag ng positibong mensahe para kay Queenie.




MARRIED SINCE 2012. Noong Hulyo 25 isinilang ni Queenie ang unang anak nila ng Pakistani husband niyang si Usama Mir.


Stories We Are Tracking

Queenie Padilla gives birth to a baby girl
Queenie Padilla gives birth to a baby girl

Ikinasal sila noon pang September 2012, ngunit noong March 2017 lamang pormal na nakapamanhikan si Usama sa pamilya ni Queenie dito sa Pilipinas.


Stories We Are Tracking

Queenie a.k.a. Mashel Khadija Mir delays plans of having
Queenie a.k.a. Mashel Khadija Mir delays plans of having
Robin gives blessing to daughter Queenie and her husband
Robin gives blessing to daughter Queenie and her husband

Si Queenie, na may Muslim name na Mashel Khadija Mir, ay panganay na anak ni Robin Padilla kay Liezl Sicangco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN