Marian Rivera on bashers: "Walang dahilan para pumatol ako sa kanila."

IMAGE Anj Sampayan

Marian Rivera on dealing with bashers: "Marami akong kailangang intindihin sa buhay ko kesa pagtuunan ko ng pansin yung mga nagko-comment ng hindi maganda sa Instagram ko." 


With four million followers on Instagram, it’s not surprising to know that Marian Rivera still gets her fair share of bashers. But the prolific actress said that she refuses to get affected by her haters.

So how does she deal with them? According to Marian, she deliberately deletes the negative comments from her critics. That way, she helps avoid any clash between her supporters and bashers.

“Yun lang siguro, nagdi-delete lang ako, kasi siyempre hindi naman papayag ang mga totoong nagmamahal sa akin na may mamba-bash, tapos ang negative, so dini-delete ko na lang para wala.

“Parang ayoko nang bigyan pa ng pagkakataon na magsagutan pa, mag-away… i-delete ko na lang.”

“Walang dahilan para pumatol ako sa kanila, e, kasi marami akong kailangang intindihin sa buhay ko kesa pagtuunan ko ng pansin yung mga nagko-comment ng hindi maganda sa Instagram ko,” Marian further explained to PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) and another member of the press during the launch of her endorsement, Snow Crystal White Tomato whitening product, last July 27 at the New World Hotel.

The Kapuso actress said that she would rather devote her time to more substantial activities, such as taking care of her one-year-old daughter Zia or her flower business, Flora Vida.

“Imbes na patulan ko sila, alagaan ko na lang ang anak ko, mag-arrange na lang ako ng flower.

“There’s no reason para bigyan ko ng kahit katiting na pagkakataon itong mga gumagawa ng mga ganito.”  

She explained why she deletes negative comments.

NOT AFFECTED. While other celebrities choose to respond to their bashers, Marian opts to take the higher road.

"Hindi ako affected," she said.

"Pag nakita ko ang anak ko, kahit anong sabihin nila, ‘Okay.’

"Tsaka kung ano yung buhay niya na 'yon, trabaho lang, walang personalan, especially ngayon nagtatrabaho ako para sa anak ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marian added, “Masyadong magulo na talaga ang mundo.

“Masyadong magulo na, e.

"Kung dadagdagan pa’t dadagdagan, parang kawawa na ang mundo natin."

Although criticisms from bashers are inevitable, Marian clarified that she never considered deactivating her Instagram account.

“Gusto ko nagpo-post ako, kasi gusto kong i-share kung anong happiness na meron ako sa ibang tao, especially pag pinu-post ko yung anak ko.

“Katulad kahapon, galing akong trabaho, alas-dos ako natapos.

"Gumising ako maaga, may shoot ako.

“Tapos pag-uwi ko ng bahay, andun ang anak ko, 'Hay, sarap!'

“Pag nakita ko yung anak ko, wala na.

"‘Ay, bahala ka diyan. Ano ako? Panget ako? Okay lang, sige, push mo ‘yan, teh!”  Marian related.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN