Andre Paras inspired by brother Kobe to return to basketball

IMAGE Noel Orsal

When asked what prompted him to pursue basketball like his brother Kobe and dad Benjie, Andre Paras says, "Kadalasan nasa bahay lang ako, andun yung mga awards nina Kobe, awards nila Daddy sa basketball. Ako, wala talaga akong award nung bata."


Inamin ni Andre Paras na ang kapatid niyang si Kobe Paras ang isa sa mga naka-inspire sa kanyang muling balikan ang basketball.

Kuwento ni Andre, “Opo na-inspire po ako kasi… kadalasan nasa bahay lang ako, andun yung mga awards nina Kobe, awards nila daddy sa basketball.

"Ako, wala talaga akong award nung bata.

“Sabi ko, like, puwede kahit isang award lang, habulin ko lang!” 

Ang ama nina Andre at Kobe ay si Benjie Paras, ang nag-iisang PBA player na nanalong Rookie of the Year at Most Valuable Player sa parehong taon, 1989.

Hindi kaya ito pagsimulan ng rivalry sa pagitan nilang magkapatid?

"A, hindi!" bulalas ni Andre sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Imposible pong magka-rivalry kasi, for one, nasa ibang bansa siya.

"Then, iba po yung… kumbaga, in basketball terms, iba po yung position niya.

"Kumbaga, siya guard; ako, pretty much center.

“Kumbaga, ako dapat yung pinakamalaki… in the Philippines, tama lang, pero sa ibang bansa, maliit na.”

Ang 21-year-old na si Andre ay may taas na 6’4 ½.

Naglaro siya noong high school para sa La Salle Greenhills.

Nang magkolehiyo, naglaro naman siya para sa UP Fighting Maroons ng University of the Philippines-Diliman, kung saan naging star player ang kanyang amang si Benjie Paras.

Kinalaunan ay lumipat si Andre sa San Beda College, ngunit hindi na niya itinuloy ang pag-aaral upang mas mabigyan ng oras ang kanyang showbiz career.

Ang nakababatang kapatid naman ni Andre na si Kobe ay kasalukuyang naglalaro para sa Cal State Northridge Matadors sa Amerika.

Hindi tuloy maiwasang maikumpara si Andre sa kanyang kapatid at ama.

Ano ang masasabi niya sa ganitong comparison?

Ayon sa Kapuso actor, “For me, wala pa akong napapatunayan, in a way.

"Kasi… siguro nung high school, college, meron namang konti, may napakita naman ako.

“Pero in terms of yung… I don’t know [how] you call it, pero yung self-fulfillment, or wala pa akong napu-fulfill na pangrap ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, bucket list in a way, kasi gusto kong magka-award, if ever, like, individual award, team award, champion, ganun.

“Gusto ko, like, defensive player.

“Hindi ko naman ina-eye yung maging star player.

“Gusto ko talaga yung magka-award na nakatulong sa team.” 

SETTING PRIORITIES. Kasalukuyang kumukuha ng kursong English Language Studies si Andre online.

Kasabay nito ay ang pagiging mainstay niya sa Sunday PinaSaya, na ngayon ay nagdiriwang ng second anniversary.

Paano kaya makakamit ni Andre ang nais niya sa basketball gayong hati ang kanyang oras sa showbiz career at pag-aaral?

Tugon niya, “Of course sa Amerika, ibang klase ang training.

"And dito naman, bina-balance ko naman po siya, e.

“Kaya nung sinabi ko sa dad ko or sa coach na papayag ako if hindi sagabal sa schedule, kasi hindi ko naman isa-suffer yung team or yung sarili ko.

“Kasi dati nga, I had to step away from, yun nga, kumbaga, university, kasi sa scheduling, kasi pinagsabay ko school and basketball tsaka showbiz.

“So, at least ngayon, may online [schooling] and then light naman yung work ko right now, may time.

“Pero if ever magka-work, at least patapos na yung season namin.

“So, kumbaga, time management po talaga.”       

Dahil sa Sunday PinaSaya, tila nalilinya si Andre sa comedy kahit na pang-matinee idol ang hitsura niya.

Choice ba niya iyon o ng GMA-7?

Saad ni Andre, “For me, whatever the network gave me, of course kailangan ko pagtrabahuan and, of course, give justice to what they give me.

"And wala namang problema or attitude towards that.

“Pero kung ako po ang tatanungin, of course, may mga comfort zones tayo.

“For me, comedy.

“And then, di ba at least, you know, na kakaiba lang.

“Like, if ever, yun nga, like what you say, yung hitsura, kailangang… kumbaga, hindi naman stereotype in a negative way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s more of… at least pag nakita mo ‘tong tao, biglang kengkoy pala, biglang nakakatawa.

“You know, at least it’s something different and something people would remember.

“Kasi parang dad ko, di ba, may itsura, guwapo!” natatawang sabi pa ni Andre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN