Rayver Cruz unaffected by bashers of his blooming romance with Janine Gutierrez

IMAGE Rayver Cruz Instagram / Star Magic

"Sobrang down-to-earth, di mo mararamdaman na artista siya, na sikat siya na tao," says Rayver Cruz of Janine Gutierrez.


Kabi-kabilang pambabatikos na ang inabot ni Rayver Cruz nang mapabalitang nagde-date sila ni Janine Gutierrez.

Hindi ito nagustuhan ng mga tagahanga ng aktres at ex-boyfriend nitong si Elmo Magalona.

Lalo pang tumindi ang pamba-bash kay Rayver nang kumpirmahin ng aktor na nanliligaw siya kay Janine.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Rayver sa departure ng ASAP cast patungong Toronto, Canada, noong Miyerkules, July 26, sinabi ng Kapamilya actor na hindi niya iniinda ang pambabatikos sa kanya.

“Okay lang naman sa akin, sanay na ako. Sa tagal ko na rin dito,” pagkikibit-balikat niya.

Apektado ba siya sa mga negatibong komento?

“Affected? Hindi naman, okay lang ‘yan kasi kanya-kanyang opinyon naman ‘yan,” sagot ng binata.

Naisipan ba niyang i-block ang haters niya?

Sagot ni Rayver, “Hindi, okay lang.

“Kahit noon, noon pa, alam mo naman ang mga bash na narating ko sa buhay ko.” 

“DOWN-TO-EARTH.” Ayon kay Rayver, maraming magagandang katangian si Janine na lalo niyang nagugustuhan habang mas nagkakakilala silang dalawa.

“Simple lang siya, napakabait na tao.

"Kagaya naman ng sabi ko, she’s fun to be with.

“Sobrang down-to-earth, di mo mararamdaman na artista siya, na sikat siya na tao.”

Dagdag pa ni Rayver,  “Alam mo yun, basta, sobrang bait niya.”

Sa tingin ba niya ay may pag-asa siya kay Janine?

“Pag-asa? Sana, sana mayroon di ba?” sambit ni Rayver.

“Okay naman, we’re going out, we’re dating.

“So far, okay naman.

“Mas nagiging special yung samahan.

“Ang importante, masaya kami ngayon, lumalabas kami... basta tingnan natin.” 

Happy birthday teru!!!!! @christineteruel ????????????

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz) on

Naging malapit si Rayver sa ina ng dalaga na si Lotlot de Leon nang makatrabaho niya ito sa teleseryeng Spirits ng ABS-CBN.

Nakilala na rin ba niya ang ama ni Janine na si Ramon Christopher?

“Si Kuya Monching, hindi ko pa yun nakaka-bonding, gaya ni Ate Lot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakikita ko na siya, sa tagal ko na rin naman sa industriya natin, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN