Joel Cruz prefers Charice Pempengco over Jake Zyrus

IMAGE Instagram

Entrepreneur Joel Cruz asks people to respect Jake Zyrus's decision, saying, "Let's just be happy for her and try to understand her as Jake Zyrus, at hindi na si Charice Pempengco na minahal natin noon."


Aminado si Joel Cruz na may pag-aalinlangan siya sa pagpapalit ng pangalan ng kanyang dating image model na si Charice Pempengco, na ngayon ay kilala na bilang si Jake Zyrus.

Si Charice ay dating endorser ng Aficionado Germany Perfume, ang perfume business ni Joel.

Ayon kay Joel, "Siguro kung screen name lang, that's okay.

“Para sa akin kasi, kung yun yung magpapasaya sa kanya at naniniwala siya sa kanyang ginagawa, okey lang sa akin yung ganun.

"Pero ito na rin ba yung gagamitin niya sa census? Pati sa passport, yun na rin ba ang gagamitin niya?

“Magiging male na ba ang ilalagay niya sa gender niya?

"Siguro kung decided na siya, dapat prepared siya."

Sa mga naunang panayam kay Jake, nilinaw nitong screen name lang ang pinalitan niya, hindi ang kanyang legal name.

Ano sa palagay ni Joel ang dapat paghandaan ni Jake?

Tugon niya, “May positive at negative side kasi sa gagawin niya.

"Kasi marami talagang hati ang pananaw sa naging pagbabago niya.

“May matutuwa at may magagalit, dapat ready siya dun, dapat tanggap niya yun.” 

Dagdag pa ng entrepreneur, "Pero parang narinig ko na yung lola niya, against dun, so dapat tanggap din at suportado siya ng pamilya niya sa gagawin niya.

"Dapat kausapin niya yung family niya at explain niya yung gusto niyang gawin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joel sa Okada Hotel, ukol sa kaniyang inihahandang concert para sa mga naulila ng labanan sa Marawi City.

CAREER VS. CHOICE. Ayon pa kay Joel, maaari raw maapektuhan ang career ni Charice sa pagpapalit nito ng pangalan.

Pananaw niya, "Siya naman ang gumagawa ng career niya.

“It can be a trials sa kanya, puwedeng maging okey muli ang career sa bago niyang image, pero puwede ding hindi."

Suportado naman daw ni Joel ang singer kung talagang doon siya masaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero with due respect to her [or] him, sa akin lang kasi, if happy siya sa ginagawa niya, naniniwala siya dun, I think ibigay natin sa kanya yun.

"Ang mahalaga naman kasi, e, yung kung ano ba yung bagong maio-offer niya sa atin, katulad ng ibinigay sa atin ni Charice Pempengco noon.

"Ang importante lang, masaya siya at napapasaya niya yung mga tao sa talent na meron siya. 

"Siguro bigyan natin siya ng chance at itigil muna ang panghuhusga,” mariin niyang pahayag. 

Inihalintulad din ni Joel ang kanyang karanasan sa maaring nararanasan ngayon ni Jake.

"Kasi sa society natin, like me, I’m a gay.

“You have to be ready dahil kadikit nun yung discrimination, lalo siya na sumikat sa buong mundo.

"Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko yung babae siya.

“Pero sabi ko nga, choice niya yun, wala akong magagawa dahil dun siya masaya.”

Iginiit muli ng negosyanteng huwag sanang husgahan si Jake.

Sa halip ay unawain at suportahan na lang siya, gaya ng pagsuporta noon kay Charice.

"Wala naman makapagbibigay ng saya sa kanya kung hindi siya.

"Kaya siguro let's just be happy for her and try to understand her as Jake Zyrus, at hindi na si Charice Pempengco na minahal natin noon."

FOR THE HEROES. Samantala, abala ngayon si Joel sa ipoprodyus niyang benefit concert para sa mga naulila ng mga sundalo na lumaban sa Marawi.

Ang “Awit Sa Marawi” concert ay gaganapin sa August 13, sa AFP Theater Camp Aguinaldo, Quezon City.

Naisip daw ni Joel na magtanghal ng ganitong palabas dahil nahabag siya sa kalagayan ng mga naiwan ng mga pumanaw sa sundalo.

Saad niya, "Nakita ko kasi yung kalagayan ng mga naiwan ng mga sundalong nagbuwis ng buhay sa Marawi, naantig ang damdamin ko.

"Kaya naman nag-produce ako ng show kasama ang kaibigan kong si Token Lizares."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Joel, ang mga magtatanghal daw sa naturang concert ay puro mga sundalo rin.

"Pag napanood mo sila, di mo iisipin na sundalo sila, iisipin mo mga professional singers."

Dahil konektado raw si Joel sa mga pulis at sundalo, hindi siya nag-atubuli nang siya ay hingan ng tulong ng mga ito.

“Di na ako nagdalawang isip para ituloy itong project namin,” sabi niya.

Layunin ng concert na makakalap ng P3.5 million, na ido-donate para sa pamilyang naiwan ng mga sundalong nagbuwis ng kanilang buhay sa putuloy na kaguluhan sa Marawi City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN