Isabelle Daza speaks up about being bashed over "insensitive" joke

IMAGE Instagram (@isabelledaza)

Isabelle Daza clarifies that her uploaded video on social media, that was bashed for allegedly showing disrespect to a Japanese culture, is a "private joke" between her and sister Ava.


Nagpaliwanag si Isabelle Daza kaugnay ng video na in-upload niya sa Instagram, kung saan pinuna ang pagkutya diumano niya sa kultura ng mga Hapon sa pag-aabot ng calling cards.

Sa short video na in-upload ng aktres sa kanyang Instagram story, mapapanood na iniabot sa kanya ng nakababatang kapatid na si Ava Daza ang isang calling card kagaya ng kaugalian ng mga Hapon.

Pag-abot kay Isabelle, nilukot niya ito at ibinato sa kapatid.

Taglay ng maiksing video ang text na: “What I want to do when people hand me their calling cards like this.”

Ikinadismaya ito ng ibang netizens.

Tinawag nilang “thoughtless, ignorant, insensitive” ang ginawa ng aktres na tila pagkutya sa kultura ng ibang lahi.


Stories We Are Tracking

Isabelle Daza draws flak over
Isabelle Daza draws flak over "insensitive" Instagram post

Ngunit sa mensaheng ipinadala ni Isabelle sa Preview.ph, ipinagtanggol niya ang sarili.

Pahayag ng Kapamilya actress, “Well, it was a private joke that I did with my sister Ava. That’s basically it.

“It annoys me sometimes that my sister does it because she’s not Japanese.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na binatikos si Isabelle dahil sa kanyang Instagram post.

Noong Abril 2017, binatikos din si Isabelle dahil sa Instagram story niya kung saan mababasa ang text na “Buy this hat for my Africa looks or FEED children in Africa for the same price?”

Ikinagalit ito ng ibang netizens at tinawag na “dense” at “insensitive” ang aktres.


Stories We Are Tracking

Isabelle Daza apologizes for
Isabelle Daza apologizes for "hats vs African children" post

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN