Ryza Cenon opens up about serious depression and suicidal tendencies

IMAGE Noel Orsal

Ryza Cenon assures she is healed emotionally from past career and personal issue. "Feeling ko nao-overcome ko yun dahil masaya ako ngayon. Sobra blessed ko ngayon sa life ko, sa career, sa love life, lahat po," she shares.


Nasa tamang pagkakataon daw ang pagkaka-offer ng pelikulang Ang Manananggal Sa Unit 23B kay Ryza Cenon.

Ayon sa Kapuso actress, bago dumating ang movie offer na ito, nakaramdam siya ng matinding depression.

“Parang hulog ng langit sa akin 'tong pelikulang ito.

“Noong time na nakausap ko kayo na mayroon akong struggle in life, pumasok po Ang Manananggal.

“Parang sinave ako ng Ang Mananangggal at nilipad po ako ni Manananggal pataas para mapansin ng mga tao.

“Ganun siya kahalaga sa akin, para siyang hulog ng langit.”

Read: Ryza Cenon opens up about attempted suicide due to depression

SUICIDE ATTEMPTS. Sa ginanap na press conference ng Ang Manananggal Sa Unit 23B kagabi, August 1, muling nabanggit ni Ryza na nagkaroon siya ng suicidal tendencies noong teenager siya.

Isa sa suicidal attempt niya noon ay ang pag-inom ng silica gel.

Nabanggit din niya ang ilang paraan ng pananakit sa sarili na ginagawa niya dati.

“May times po na sinasaktan ko ang sarili ko.

"Like, kung ano po ang mahawakan ko, pinupukpok ko, hinahampas ko yung sarili ko.

"'Tapos inuuntog ko ang sarili ko sa pader," pagsisiwalat ni Ryza.

Nang tanungin kung ano ang mga posibleng dahilan ng kanyang suicidal tendencies, ibinigay na halimbawa ni Ryza ang dating isyu sa kapwa niya StarStruck alumni na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Na-link kasi noon si Ryza kay Mark, na boyfriend pa noon ni Jennylyn.

Read: Ryza Cenon and Jennylyn Mercado finally end their rift

Pag-alala ni Ryza, “Feeling ko that time, hindi ko kinaya yung mga issues.

“That time, yung issues about Jennylyn and Mark.

“Yun ang struggle ko that time, maraming bashers and all, hindi ko siya kayang i-handle.”

Sa tingin ni Ryza, ang mga “struggle” na ito ay natural na parte ng buhay.

“For me, feeling ko, part talaga siya ng cycle ng life, struggle talaga siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga sa story, may struggle na part, and feeling ko, yun ang struggle ko sa buhay,” aniya.

Banggit pa niya tungkol sa kanyang suicidal attempts noon, “Pumapasok kasi siya minsan sa isip ko kapag depressed ako.

"Kasi minsan, parang feeling ko, yun na lang yung solution."

NO MORE SUICIDAL TENDENCIES. Dahil sa pag-amin ni Ryza sa suicidal attempts niya, nabahala ang entertainment press para sa aktres.

Kaya naman sinabihan siyang mangakong hindi na niya ito gagawin.

Hirit naman ni Ryza, huwag na siyang intrigahin.

Natatawa pa niyang sabi, “Isa rin po 'yan sa nagpapabigat ng damdamin ko!

“Puwede namang maganda ang isinusulat natin para good vibes lang tayong lahat, di ba?”

Tiniyak naman niyang hindi na niya ito ginagawa.

Sabi ni Ryza, “Hindi ko ginagawa 'yan ngayon.

“Ngayon po kasi masaya ako, so wala yun. Parang feeling ko, nao-overcome ko yun...

"Masaya ako ngayon. Sobra blessed ko ngayon sa life ko, sa career, sa love life... lahat po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN