Kean Cipriano totally understands Kylie Padilla's situation

IMAGE Noel Orsal

Ramdam daw ni Kean Cipriano ang nararamdaman ngayon ni Kylie Padilla na malapit nang magsilang ng panganay nilang anak ni Aljur Abrenica. Napagdaanan daw niya ang ibang klaseng excitement noong paparating na ang panganay naman nila ni Chynna Ortaleza. 


Hindi nakadalo sa grand presscon ng pelikulang Triptiko ang kapareha ni Kean Cipriano na si Kylie Padilla.

Expected na raw yun dahil anumang oras mula ngayon ay nakatakdang magsilang si Kylie sa panganay na anak nila ng bagong Kapamilya star na si Aljur Abrenica.

Ayon sa singer-actor, “I think she’s… nasa nurturing stage siya, ibigay natin yun sa kanya.

“Kumbaga, kung may pinakamalaking role siyang gagawin sa buhay niya ay yung pagiging nanay niya.

“And we totally respect and understand where she is now in her life.

"Iba yun. Iba yun, I know exactly how it feels."

Nakaka-relate daw si Kean sa kalagayan ng Kapuso actress dahil napagdaanan daw nila ito ng asawang si Chynna Ortaleza.

Isinilang ni Chynna ang panganay nilang anak na si Baby Stellar noong 2016.

Saad ni Kean, “Kumbaga, I’ve always been a career person working all my life.

"Pero yung nandiyan na yung pamilya, yung anak mo, iba na, e.

"Dun na kumukurba lahat, na ang pinakamahalagang bagay sa mundo ay ang pamilya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kean sa grand presscon ng Triptiko, na ginanap sa Romulo’s Café, Quezon City, nitong Lunes, Agosto 1.

Kasamang humarap sa media ni Kean ang co-stars niya sa pelikula na sina Joseph Marco at Albie Casiño.

“MUSIKERONG JOHN.” Ang Triptiko ay nahahati sa tatlong episodes, kung saan si Kean ay mapapanood sa “Musikerong John” episode. Katambal niya rito si Kylie.


Masasabi raw na masuwerte si Kean dahil siya lamang ang may leading lady sa pelikula.

Ang role niya sa episode ay isang mang-aawit na umiwas sa limelight sa loob ng dalawang taon.

Sa kanyang pagbabalik, ikukuwento niya sa pamamagitan ng mga kanta ang masakit na naranasan niya sa kanilang pag-iibigan ni Kylie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN