Coleen Garcia draws flak for tweet about deadly Ozamiz raid

IMAGE Noel Orsal

Umani ng batikos ang tweet na ito ng Kapamilya actress na si Coleen Garcia tungkol sa madugong police raids sa Ozamiz City: "What is happening to our country? How are we all able to tolerate this?"


Umani ng batikos mula sa netizens ang “What is happening to our country?” Twitter post ng Kapamilya actress na si Coleen Garcia.

Ang tweet ni Coleen ay kaugnay ng madugong police raids sa Ozamiz City, Misamis Occidental, noong madaling-araw ng Linggo, Hulyo 30, kung saan 16 katao ang nasawi, kabilang na ang alkalde ng lungsod na si Reynaldo Parojinog Sr.

Sabi ng aktres sa kanyang tweet nitong Lunes, Hulyo 31: “What is happening to our country? How are we all able to tolerate this??”

Nag-react dito ang ilan sa followers ni Coleen, na karamihan  ay tinuligsa ang aktres dahil sa pananaw nito sa insidente.

Para sa mga netizen na nagkomento tungkol sa tweet ni Coleen, pabor sila sa sinapit ni Mayor Parojinog at mga kasama nito dahil sa mga alegasyong may kinalaman sa drugs at corruption.

Narito ang mga komento ng mga kumontra sa tweet ng aktres:












 

“LAHAT TAYO MAY KASALANAN.” Isang follower pa ni Coleen ang nagsabing marami raw kasalanan na nagawa ang pamilya Parojinog sa kanilang lugar.

Sagot dito ni Coleen: “Lahat tayo may kasalanan. That doesn't mean we all deserve to be slaughtered.”

Muling sumagot ang iba pang netizens.

Pahayag nila, mas malala pa raw ang nagawang kasalanan ng mga Parojinog sa bayan kaysa sa nangyari sa kanila.

May nagdawit din sa pangalan ng fiancée ni Coleen na si Billy Crawford, na masugid na nangampanya noon para sa Liberal Party, ang partidong kinabibilangan ng napatay na mayor.

Inakusahan din ng ilang followers si Coleen na "dilawan" o kampi sa nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.











Walang sagot si Coleen sa iba pang mga komento sa kanyang tweet.

Mayroon ding ilang followers na sumang-ayon sa aktres:


Stories We Are Tracking

Mr. Pastillas cries justice for family killed in Ozamis raid
Mr. Pastillas cries justice for family killed in Ozamis raid


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN