Noven Belleza seeks court permission to leave the country for US concert

by Arniel C. Serato
Aug 3, 2017
Hiniling ng kampo ni Noven Belleza sa korte na payagan itong makapag-abroad ng apat na araw para sa kanyang nakatakdang konsiyerto sa New Jersey, USA sa darating na Agosto 12 hanggang 13. 

Naghain ng mosyon sa korte ang kampo ng singer na si Noven Belleza upang makabiyahe ito papuntang New Jersey, USA, para mag-concert doon.

Gaganapin ang concert ng "Tawag ng Tanghalan" champion sa August 12 at 13.

Ayon sa ulat ng SunStar Cebu noong Sabado, July 29, hiniling ng abugado ni Noven sa sala ni Regional Trial Court Branch 7 Judge James Stewart Himalaluan na payagan ang kanyang kliyenteng umalis ng bansa sa August 10.

Pahayag ni Atty. Leilani Villarino, "Accused is not a flight risk and his request for travel abroad for four days is necessary to comply with his singing engagement.”

Nakasaad pa sa kanilang mosyon na napirmahan na raw ni Noven at ng kanyang road manager ang kontrata para sa nasabing konsiyerto bago pa man ang reklamong sexual assault laban sa singer.

Kailangan daw siputin ni Noven ang nakatakdang show sa ibang bansa upang hindi sila makasuhan ng breach of contract.

Continue reading below ↓

Bahagi pa ng nakasaad sa mosyon, “The accused who was a farmer in Negros Oriental before he won the singing contest, has no other source of income to support his family other than his budding career.”

Nahuli ng Mabolo Police authorities si Noven madaling-araw ng July 16, Linggo, pagkatapos nitong magtanghal sa concert ni Vice Ganda sa Cebu.

Nag-ugat ang pagdakip sa singer sa reklamong panggagahasa na isinangguni sa pulisya ng isang local singer, na kasamahan ni Noven noon sa "Tawag ng Tanghalan."

Nasampahan ng reklamong rape sa korte si Noven, ngunit ibinaba ito ng fiscal sa sexual assault kaya pinayaga siyang makapagpiyansa ng halagang P120,000.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Noven Belleza
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hiniling ng kampo ni Noven Belleza sa korte na payagan itong makapag-abroad ng apat na araw para sa kanyang nakatakdang konsiyerto sa New Jersey, USA sa darating na Agosto 12 hanggang 13. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results