Ara Mina keeps watch over a close relative in drug rehab

IMAGE Noel Orsal

Ara Mina knows the feeling of having someone close to you who is addicted to drugs. She says, "Iniiwasan ko na nga pag-usapan ito dahil maiiyak lang ako."


Pinaninindigan ni Ara Mina na itago ang identity ng tinutukoy niyang kaanak na ipinasok niya sa rehab dahil sa drug addiction.

Malapit raw ito sa kanyang puso.

Nagawi ang usapan tungkol dito dahil umakma ang personal experience ni Ara sa indie film na Adik kung saan isa siya sa mga bida.

Napaluha nga siya sa gitna ng presscon para sa upcoming film niya kagabi, August 3, sa Luxent Hotel ballroom, Quezon City. 

May alam ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa identity ng taong tinutukoy ni Ara.

Pero minabuti na naming huwag na itong pangalanan sa kagustuhan na rin ng aktres, “Gusto ko siyang bigyan ng privacy.”

Sa interview namin sa kanya pagkatapos ng presscon, hindi raw klaro kay Ara kung paano nalulong sa droga ang lalaking close sa kanya.

Kuwento niya, “Hindi ko alam kung five years or six or years kasi hindi naman kami nagkikita lagi. 

“Pero kapag nagkikita kami nanu-notice ko…kasi ako yung nilalapitan, e.

“Kesyo may problema sa pamilya, kailangan ng ganyan, so ako yung tumutulong. 

“Hindi ko alam kung may problem siya, I guess nabarkada siya sa walang kuwentang tao.

“Dumating na sa point na pati yata bubong mo kukunin niya para ibenta.”

Wala raw kaalam-alam si Ara na ang hinihingi nitong pondo para makapagnegosyo ay hindi doon mapupunta.

“Idinadahilan ang business, hindi ko na maalala sa sobrang dami ng sinasabi niyang negosyo.

“Naging emosyonal lang ako kanina kasi nito lang July…in-allow kami na bumisita.

“One-and-half years namin siyang ipinasok sa rehab 'tapos lumabas, nag-relapse. 

“Mahirap rin kapag lumabas ka, same crowd, same people rin ang kasama mo, babalik ka rin.

“We thought okey na, pero ayan na naman.

“Nasa Amerika ako, tinatawagan ako, we decided na ipasok siya.”

Panahon pa raw iyon ni former President Noynoy Aquino.

FAMILY PROBLEM. Tumutulong rin ang kapatid ni Ara na si Cristine Reyes-Khatibi sa sinasabing malapit na tao sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tulung-tulong rin kami,” nanginging sabi ni Ara, “Yung daddy ko [sa Reyes side], yung pagpapaaral sa mga apo niya.

“Actually, iniiwasan ko na nga pag-usapan ito dahil maiiyak lang ako, hindi ko napigilan kanina.”

Ayon pa kay Ara, tatlong taon na raw na nasa rehab yung tao.

“Ang maganda, may mga spiritual enhancements sila, nagba-Bible study sila. 

“Saka yung therapy tuluy-tuloy, disiplanado sila.”

Ang plano ng pamilya ni Ara ay huwag nang pabalikin ang kaanak sa lugar kung saan nalulong ito sa bisyo.

Sabi niya, “If ever reding-ready na siya at na-let go na niya ang addiction, sa ibang bansa na siya. 

“May kakilala ako na yung brother niya sobrang lala nun, pina-rehab, dinala sa Canada. 

“Ayun, maayos ang buhay. Continous naman na pinagpi-pray namin.”

Samantala, ang Adik ay sa direksyon ni Neil "Buboy" Tan at pinagbibidahan ng newbie actor na si Kevin Poblacion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN