Sef Cadayona cries foul over online abuse after being linked to Maine Mendoza

IMAGE Instagram @sefcadayona / Reielle Deslate

Sef Cadayona on alleged romance with Maine Mendoza: "Whatever you think of us na sobra sa pagka malisyoso is not true! Come on. Again. Wala akong sinabing ganyan... Maine and I are friends. Hindi kami nagde-date. Tapos."


Inalmahan ni Sef Cadayona, 28, ang matinding pambabatikos na natatanggap niya dahil sa kanyang pagkakaugnay kay Maine Mendoza, 22. 

Kaugnay ito ng patuloy na espekulasyog mayroon diumanong lihim na relasyon ang dalawa.

Sa kanyang Twitter posts ngayong araw, August 4, iginiit ng Kapuso comedian na walang namamagitan sa kanila ng Kapuso Dubsmash Queen.

Mariin ding pinabulaanan ni Sef ang usap-usapang “sobra sa pagka malisyoso” kaugnay ng diumano’y palihim na pagkikita nila ni Maine.  

Si Maine ay kalahati ng phenomenal loveteam na AlDub o Alden Richards at Yaya Dub, na unang sumikat sa Kalyeserye segment ng GMA-7 noontime show na Eat Bulaga! noong July 2015.

Bandang Enero 2017 kumalat ang bali-balitang nagkakamabutihan diumano sina Maine at Sef.

Hindi kaila sa masugid na tagasubaybay ng AlDub na marami sa kanila ang hindi pabor sa naturang isyu.

Sa kanyang latest tweets, hindi idinetalye ni Sef ang malisyosong akusasyon na ibinabato sa kanila ni Maine.

Ang tanging pakiusap ng Bubble Gang actor ay huwag nang madamay pa ang kanyang pamilya.

NETIZENS' COMMENTS. Ngunit base sa comments thread ng kanyang Twitter posts, sinabi ng ilang AlDub fans na may pagkukulang din daw ang binata kaya ito nakakatanggap ng matinding pambabatikos sa social media. 

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens hinggil sa Twitter posts ni Sef:




May ilan ding pumuna na sana ay sa umpisa lang ay nilinaw na ni Sef na walang namamagitan sa kanila ni Maine. 




SEF "JUST FRIENDS" WITH MAINE. Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong June 1 unang nilinaw ni Sef na magkaibigan lang sila ni Maine. 

Aminado ang binatang minsan na niyang nakasamang lumabas si Maine, pero bilang "tropa-tropa" lang kasama raw ang grupo ng common friends nila. 

Kabilang dito ang co-stars ni Maine sa Destined To Be Yours na sina Sheena Halili at Juancho Trivino.

Pahayag ni Sef, “Friends po talaga kami, as in.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang sa amin, sa mga kabigan niya, bakit parang bawal siyang makipagkaibigan?

"Kasi, wala naman."


Stories We Are Tracking

Sef Cadayona denies romantic relationship with Maine Mendoza
Sef Cadayona denies romantic relationship with Maine Mendoza

MAINE'S REMINDER TO HER FANS. Noon ding June 1, tiyempong umapela si Maine sa kanyang fans na tigilan ang anumang pagpapakalat ng hate tweets sa social media. 

Isang netizen ang diretsahang nagtanong sa Dubsmash Queen kung may kinalaman ang kanyang pahayag kay Sef at ilan pang isyung kinasasangkutan ng dalaga. 

Ngunit bumuwelta si Maine na wala siyang partikular na nais patamaan sa kanyang tweets. 

Kasunod nito ang desisyon ni Maine na i-deactivate ang kanyang Twitter account, dahil ayaw raw niyang mismong fans ang nag-aaway sa social media. 


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza: 'Enough with the foul words, guys.'
Maine Mendoza: 'Enough with the foul words, guys.'
Maine Mendoza clarifies post about haters
Maine Mendoza clarifies post about haters
Maine Mendoza reveals reason for deactivating her Twitter
Maine Mendoza reveals reason for deactivating her Twitter


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN