Yassi Pressman happy for brewing romance between Julia Montes and Coco Martin

IMAGE Rose Garcia

Yassi Pressman on brewing romance between Julia Montes and Coco Martin: "Mabuti kung okay. Wala namang hindi dapat maging okay. Maraming nagsasabi na okay sila and para sa akin, that's good. That's very, very good."


Nalagay sa hot seat si Julia Montes sa nakaraang guesting niya sa ABS-CBN morning show na Magandang Buhay nang tanungin ito tungkol sa balitang namataan siya sa Hongkong kasama ang butihing ina ng rumored boyfriend na si Coco Martin.

Kahit hindi naman deretsahang umamin sina Coco at Julia, tila nasira ang ilusyon ng mga Coco at Yassi Pressman fans na naghahangad na sana ay may mabuong relasyon sa dalawa na nagsimula nang magtambal sila sa seryeng Ang Probinsyano.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Yassi sa nakaraang Ang Probinsyano presscon na ginanap sa Le Reve Events Place nung Huwebes, August 3, nagbigay-pahayag ang aktres na masaya siya sa nababalitang patuloy na magandang relasyon na namamagitan kila Coco at Julia.

Lahad ni Yassi, “Mabuti kung okay.

“Wala namang hindi dapat maging okay.

“Maraming nagsasabi na okay sila and para sa akin, that’s good.

“That’s very, very good.”

NO PRESSURE FOR NEW LOVE TEAM. Dumarami na rin ang mga tagahanga ng Coco-Yassi tandem at marami sa kanila ang umaasa na sana i ay magkagustuhan silang dalawa.

Siniguro naman sa amin ng aktres na wala siyang nararamdamang pressure sa gustong mangyaring ito ng mga tagahanga nila, dahil hindi naman daw ito nakakaapekto sa magandang pagkakaibigan nila ng kapareha niya.

Paglinaw niya, “Walang pressure.

“Nag-eenjoy lang kami, everyday kaming magkasama at yung everyday na yun. hangang ngayon di kami nagkakasawaan.

“Parehas pa rin, parang pamilya pa rin kami, pareho pa rin ang alaga niya sa lahat ng mga characters.

“Hindi kami. Ligaw? Hindi."

TOO BUSY FOR LOVE. Ang huling naging boyfriend ni Yassi ay si Sef Cadayona.

Sa ngayon ay wala rin palang oras na mag-entertain ng mga manlilgaw ang aktres dahil sa dami na rin ng proyektong ginagawa sa ngayon.

“Wala, e. Wala rin akong time.

“Suitors? Di rin e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bale siguro Monday to Saturday Probinsyano, Pambansang Third Wheel or ASAP minsan.

“Wala na talagang oras," pahayag niya. 

WORKING WITH SAM MILBY. Nang kumustahin naman namin ang working relationship nila ni Sam Milby na siyang kapareha niya sa pelikulang Pambansang Third Wheel, panay papuri naman ang ipinahayag ni Yassi tungkol sa aktor.

“Fun, relax lang.

“Mga nakatatlong araw pa lang kami, but so far masaya sa set namin.

“Ganun pa rin siya, mabait.

“Wala akong masasabi na kahit na anong negative,” pahabol pa ni Yassi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN