Jed Madela asks bashers: "Are you that miserable?"

IMAGE Instagram and Twitter account of Jed Madela

Jed Madela took to Instagram to air his message for his bashers. He said, "When something happens to you, remember that very day when you went out of your way to bash me. Peace out."


Tila hindi pa rin tinitigilan ng mga bashers ang Kapamilya singer na si Jed Madela.

Kagabi, August 5, nag-post ang ASAP performer ng isang mensahe para sa mga bashers sa pamamagitan ng Instagram.

Tanong niya sa mga ito, ano daw ba ang napapala nila sa tuwing may bina-bash sila.

Sabi niya, "Still don't get it. What's with you bashers?!!

"Are you that miserable? Stop and think.

"After you bash me... or any person for that matter... what next?

"Did you really think you'd get a plus point in the karma department? I think not."

Sa huli ay nag-iwan siya ng mensahe para sa mga bashers niya.

Saad niya, "Just you wait. When something happens to you, remember that very day when you went out of your way to bash me. Peace out."

Hindi naman nabanggit ni Jed kung ano ang laman ng mga naging pamba-bash sa kanya.

Hindi rin ito ang unang pagkakataong naglabas ng sama ng loob ang 40-year-old singer sa mga bashers niya sa social media.

Noong 2016 ay napadalas din ang pamba-bash kay Jed nang bigyang malisya ng ibang netizens ang pagiging close nila ng kapwa Kapamilya singer na si Darren Espanto.

Nitong June 2017, sa panayam sa kanya ng Tonight With Boy Abunda, nabanggit ni Jed na naapektuhan ang kanilang pagkakaibigan dahil sa mga bashers.


Stories We Are Tracking

Jed Madela distances himself from Darren Espanto
Jed Madela distances himself from Darren Espanto
Jed admits malicious rumors affected friendship with Darren
Jed admits malicious rumors affected friendship with Darren
Jed Madela mulls filing raps vs rumormongers
Jed Madela mulls filing raps vs rumormongers
Jed Madela ignores basher who called him 'bading'
Jed Madela ignores basher who called him 'bading'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN