Kris Bernal reacts to former leading man Aljur Abrenica's transfer to ABS-CBN

IMAGE Noel Orsal

Kris Bernal on Aljur Abrenica's transfer to ABS-CBN: "Kung ano yung mga pinagdaanan niya, kahit papaano, naikuwento rin niya sa akin. Gusto niya talaga lagi ng bago sa buhay niya. And aside from being a father, siguro hinanap din niya yun sa trabaho."


Nagbigay ng pahayag ang Kapuso actress na si Kris Bernal tungkol sa paglipat ng dati niyang ka-love team na si Aljur Abrenica sa ABS-CBN at sa pagsilang ng unang anak nito sa kasintahang si Kylie Padilla.

Isinilang ni Kylie ang anak nila ni Aljur na si Alas Joaquin noong Biyernes, August 4.


Stories We Are Tracking

Kylie Padilla and Aljur Abrenica welcome their baby boy
Kylie Padilla and Aljur Abrenica welcome their baby boy
Meet Kylie Padilla and Aljur Abrenica's Little Prince
Meet Kylie Padilla and Aljur Abrenica's Little Prince
Kylie posts first photos of Baby Alas Joaquin
Kylie posts first photos of Baby Alas Joaquin

Kuwento ni Kris, “Actually, tinext ko pa nga siya [Aljur].

“Hindi ko naman alam na manganganak na that day si Kylie.

"Pero before that day, tinext ko si AJ.

“Sabi ko, ‘Huy, happy ako sa lahat ng nangyayari sa ‘yo and I’m praying for your success. Sana, itong bagong chapter mo, e, talagang maging fruitful.’

“In return, nag-thank you naman siya sa akin.

“Nalaman ko nga na success yung pagbubuntis ni Kylie.

“Mukhang healthy yung baby, ang cute!

“So, nakaka-excite for both of them kasi bagong challenge sa kanila yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa blessing ng Tatio Active, ang skin and beauty clinic sa Scout Castor, Barangay Laging Handa, Quezon City, noong Linggo, August 6.

Ang nasabing skin and beauty clinic ay pag-aari ng actor/dancer na si Danilo Barrios at ng misis nitong si Regina.

HAPPY FOR ALJUR. Masaya rin daw si Kris sa mga nangyayari ngayon sa career at personal life ni Aljur.

Alam daw kasi niya ang mga frustration at pangarap ng dating kapareha na ngayo’y isa nang Kapamilya.

Saad ng Impostora actress, “Actually, hindi ko alam na [lumipat na siya]… kasi hindi na kami masyadong nag-uusap. Nabalitaan ko na lang sa mga news.

“Happy na rin ako kasi alam ko yung mga frustration niya sa buhay.

“Kung ano yung mga pinagdaanan niya, kahit papaano, naikuwento rin niya sa akin.

“Gusto niya talaga lagi ng bago sa buhay niya.

“And aside from being a father, siguro hinanap din niya yun sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro gusto niya ng bagong trabaho, so masaya ako para sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN