Maine Mendoza hailed as top regional individual taxpayer by BIR Caloocan

IMAGE Noel Orsal

Hinirang na top individual taxpayer ng BIR Caloocan ang TV host-actress na si Maine Mendoza nitong nakaraang Biyernes, August 4. Dumalo mismo ang tinaguriang Dubsmash Queen sa pagtitipon upang tanggapin ang kanyang plake. 


Hinirang si Maine Mendoza bilang top regional individual taxpayer ng Bureau of Internal Revenue (BIR) 5, Caloocan City.

Personal na dinaluhan ni Maine ang awarding, kasabay na rin ng selebrasyon ng 113th anniversary ng BIR Caloocan, noong Biyernes, August 4.

 

Ikinatuwa naman ng maraming AlDub fans ang parangal na ito ng kanilang idolo. 

 

Si Maine—kilala rin sa tawag na Yaya Dub—ay sumikat nang maging kapareha ni Alden Richards sa "Kalyeserye" ng Eat Bulaga.

Pinangalanan ang kanilang love team na AlDub.

Mula sa "Kalyeserye," pinasok din ng tinaguriang Dubsmash Queen ang commercial endorsements, pag-arte sa telebisyon at pelikula, at ang pagtatayo ng sariling negosyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN