Jolina Magdangal shrugs off report that Kris Aquino unfollowed her on Instagram

IMAGE Rose Garcia

Jolina Magdangal on Kris Aquino unfollowing her on Instagram: "Kung i-follow ka or i-unfollow, okey lang naman… kung totoo, ha. Pero ayoko namang i-text siya na, 'Ate, totoo ba?' Ayoko naman, nakakahiya. Baka assuming lang ako."


Wala raw isyu kay Jolina Magdangal ang napabalitang pag-a-unfollow sa kanya ni Kris Aquino sa Instagram.

Maliban kay Jolina ay in-unfollow rin daw ni Kris ang co-host ng una sa Magandang Buhay na si Karla Estrada.

Ngunit paliwanag naman ni Kris, may iba pang humahawak ng kanyang Instagram account.


Stories We Are Tracking

Did Kris Aquino unfollow Karla Estrada, Jolina Magdangal?
Did Kris Aquino unfollow Karla Estrada, Jolina Magdangal?

Pero ano ang naging reaksiyon ni Jolina nang lumabas ang balitang in-unfollow sila ni Kris sa Instagram?

Tugon niya, “Never kasi akong ano… never kong nalalaman kung totoo o hindi.  

“Hindi naman ako masyadong nangingialam sa ganun. 

“Actually, kung pina-follow nga ako, sobra nga akong napa-flatter. Kung hindi, okey lang.

“Basta ang mahalaga, kapag nagti-text ako kay Ate Kris, sumasagot siya.”

Patuloy ni Jolina, “Yung Instagram, para naman sa lahat yun, e.

“Kung i-follow ka or i-unfollow, okey lang naman… kung totoo, ha. 

“Pero ayoko namang i-text siya na, ‘Ate, totoo ba?’

“Ayoko naman, nakakahiya. Baka assuming lang ako.

“Hangga’t bali-balita lang at hindi naman sa kanya nanggaling.”

Hindi raw isyu sa kanya ang mga ganung bagay.

Aniya, “Actually, nakausap ko rin ang mamshies, parang hindi rin nila alam.

“Sino ba nagsasabi nun? Mga tao rin yata na nagpa-follow-follow.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolina noong Sabado, August 5, sa Gaisano Grand Mall, sa Bacolod City, kunsaan nag-show at nag-celebrity cashier siya para sa Super Twins Baby Pants Diapers.

PLANS FOR SECOND BABY. Dahil mahigit tatlong gulang na ang panganay nilang anak na si Mark Escueta na si Pele, may plano na ba silang sundan ito?

“Nasa plano naman na talaga,” sambit ni Jolina.

“Kasi hindi naman kami yung parang sige lang nang sige.

“Siyempre, kailangan din ng check-up.

“Tinapos ko lang talaga itong Canada. Kasi, dinadayo pa namin sa Alabang ang doktora ko.

“Pero nasa ano na rin siya, nasa planning na siya.

“Itong taon na ito talaga yun at itong quarter na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bahala na, basta nasa plano. Kung ano ang ibigay sa amin. 

“Kung ibigay, okey. Kung hindi, okey lang din.

“Basta healthy kami ni Mark para kay Pele.

“At kung ano ang future, yun ang important.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN