Julie Anne San Jose defends Atak vs. bashers; says she's on good terms with Maine Mendoza

IMAGE Nikko Tuazon / @atak88 on Instagram

Julie Anne San Jose on Maine Mendoza: "We're all good. Wala naman po talagang kaso and it's actually them [the bashers] na lang na nagbibigay ng issue, di ba? Mga wala na lang silang masabi. We're good."


Nakarating kay Julie Anne San Jose ang balitang inuulan ng batikos ang Sunday PinaSaya co-star niyang si Atak kaugnay sa pagkukumpara diumano nito sa kanya at sa kapwa Kapuso star na si Maine Mendoza.

Sandamakmak na negatibong reaksiyon mula sa fans ni Maine ang nakuha ni Atak nang diumano'y mag-send ito ng private message sa isang fan na nagsasabing, "Hindi likeable si Maine kumpara kay Julie maganda na talented pa."

Ayon kay Atak, "niretoke" ang screen grab na ito at ginamit lang umano ang kanyang primary photo ng isang di kilalang netizen upang siraan siya sa AlDub Nation, ang hukbo ng mga tagahanga ng tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza.


Stories We Are Tracking

Atak denies calling Maine Mendoza
Atak denies calling Maine Mendoza "plastic, hindi likeable"

Hindi naman naniniwala si Julie Anne na magagawa ni Atak na siraan si Maine.

Aniya, "I don't think Atak would do petty stuff like that. 

"I really don't know what happened but, whatever happened, you know, like, it's all good. It's done."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertanment Portal) si Julie Anne sa press launch ng CreamSilk, sa Manila House, Bonifacio Global City, ngayong araw, August 9.

ALL'S WELL. Nilinaw rin ni Julie Anne na wala silang samaan ng loob ni Atak kahit nadawit ang pangalan niya sa isyu.

"I have no problem with Atak. Wala, wala talaga sa akin, so it's all good."

Hindi na rin daw bago sa social media ang magkaroon ng bashers.

Pahayag ng Kapuso singer-actress, "Everyone has their own opinions.

"And even ako, kahit wala akong ginagawa, I still get hate tweets and everything. 

"I can't really please everyone."

Dagdag niya, "I just try to ignore them [the bashers] and keep a positive vibe. 

"I like my job, I like doing my job.

"I focus dun sa mga tao na sumusuporta sa akin instead of focusing dun sa mga bagay na alam kong ikaka-distract ko sa trabaho ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just keep everything professional and I try to maintain a healthy relationship with my co-artists as well."

Samantala, wala rin daw problema sa pagitan nila naman ni Maine.

Ilang beses na raw niyang nakasalamuha ang Eat Bulaga! host sa tuwing bibisita ito sa Sunday PinaSaya bilang celebrity guest.

Kuwento ni Julie Anne, "I've met her a couple of times and people probably don't know about it.

"We meet backstage kapag ganyan, pag guest siya sa Sunday PinaSaya.

"So, we're all good. Wala naman po talagang kaso.

"And it's actually them [the bashers] na lang na nagbibigay ng issue, di ba?

"Mga wala na lang silang masabi."

Diin pa niya, We're good."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN