Bela Padilla declares she's ready for a new relationship

IMAGE Noel Orsal

Bela Padilla on Vice Ganda's revelation about her supposed relationship with Zanjoe Marudo: "Hindi ko nga po alam kung ano yung alam ni Vice. Wala naman po siyang ibinuko dahil wala naman talagang ibubuko."


“I’m ready. I think as of today, August 9, Bela is ready.”

Ito ang mensahe na ipinararating ni Bela Padilla sa mga gustong “magmahal” sa kanya dahil pagkatapos maging single sa loob ng walong buwan, handa na raw siyang makipagrelasyon muli.

Ano naman ang reaksiyon ni Bela sa “pagbubuko” ni Vice Ganda sa diumano’y relasyon nila ni Zanjoe Marudo?


Stories We Are Tracking

Vice Ganda hints at Zanjoe-Bela relationship status
Vice Ganda hints at Zanjoe-Bela relationship status
Bela Padilla wants to give Zanjoe Marudo a chance
Bela Padilla wants to give Zanjoe Marudo a chance

“Hindi ko nga po alam kung ano yung alam ni Vice.

“Wala naman po siyang ibinuko dahil wala naman talagang ibubuko.

“Ibuko na lang po natin si JC at saka si Direk Jason kung ano yung mga ginagawa nila sa set,” ang sabi ni Bela, na iniiwasang mapag-usapan si Zanjoe.

Si JC Santos ang kapareha ni Bela sa pelikulang 100 Tula Para Kay Stella, ang official entry ng Viva Films sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Inspired ng real-life love story ng direktor na si Jason Paul Laxamana ang plot ng pelikula.

ENCOUNTER WITH JC. Pagkatapos nito ay ikinuwento ni Bela ang unang encounter nila noon ni JC sa studio ng Tonight With Boy Abunda.

“Nung una ko siyang na-meet, sinupladuhan niya ako, kaya sabi ko baka hindi niya ako masyadong trip na katrabaho.

“Every shooting, hindi ko ipinapalimot sa kanya, sinasabi ko, ‘Okey na ba tayo, JC?’

“Niloloko ko lang siya, pero siya, hiyang-hiya palagi.

“Nag-meet kasi kami dati sa Tonight With Boy Abunda. Parang ipinakilala kami…

“I mean, kilala ko na talaga siya, pero first time na nag-meet kami.

“Sobrang happy ko pa naman na finally, mami-meet ko na siya.

“Alam ko na taga-theater siya, marami rin akong kaibigan na taga-theater.”

Patuloy ni Bela, “‘Hi JC!’ Super hi pa ako sa kanya.

“[Sabi niya] Hi, Bela Padilla.’ Huh, suplado!

“Kaya nung nalaman ko na siya ang katrabaho ko, 'Gusto ba niya talaga na makatrabaho ako?'

“So, niloloko ko siya every shooting, ‘JC, okey lang ba sa ‘yo na ako ang kasama mo dito?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung una, nahihiya pa siya. Ngayon, natatawa na lang.

“Feeling ko, malapit na siyang mainis sa akin.”

BELA, THE WRITER. Bukod sa pagbibida sa 100 Tula Para Kay Stella, si Bela ang sumulat ng script ng reunion movie nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Hindi pa nakakaisip ng final title para sa pelikula nina Piolo at Toni, na ipalalabas sa mga sinehan sa September, pero nag-suggest si Bela ng pamagat na “We Begin When It Ends.”

Lahad niya, “Yes, patapos na ang shooting ng pelikula.

“Nakakaiyak kapag nanonood ako ng rushes.

“Parang tanga, kahit yung mga eksena na light lang, umiiyak ako, kasi nakikita ko na nangyayari ang mga eksena. Tapos, nakakakilig sila.

“I was commissioned to write it. It’s a dark love story.

“Ito mabilis, kasi pina-pitch kami ng limang concept, agad-agad.

“Tapos, nung napili yun, tinapos ko yung script in two days.

“Nung sinulat ko siya, wala pang mga artista.

"So, hiningi muna nila sa akin ang script, tapos kinast base dun sa script."

Kinilig at hindi raw nakatulog ng ilang gabi si Bela nang malaman niyang si Toni ang lead actress dahil big fan siya ng TV host-actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN