Ellen Adarna clarifies recent sighting with John Lloyd Cruz

IMAGE Nikko Tuazon / Ellen Adarna on Instagram

Ellen Adarna on being spotted with John Lloyd Cruz recently: "Nagte-taping kami [ng Home Sweetie Home] and then after taping, we drink. We went out kasi ano lang naman yun sitcom, maaga natatapos."


Nauna nang itinanggi ng ABS-CBN actress na si Ellen Adarna na mayroong namamagitan sa kanila muli ng presidential son na si Sebastian 'Baste' Duterte.

Nito namang nakaraang Miyerkules, August 2, namataan ng followers ni Ellen sa Instagram na muli silang magkasama ng Home Sweetie Home co-star nitong si John Lloyd Cruz.

Minsan na ring na-link sa isa't isa ang dalawang Kapamilya stars.


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ellen sa launch ng Luxxe White Reveal ng Frontrow, sa Whitespace Makati, nitong Martes ng gabi, August 8.

Dito ay sinabi ng dating Langit Lupa star na isang simpleng bonding session lang ang naganap kasama ang buong cast at crew ng kanilang sitcom.

Kuwento ni Ellen, "Kasi magkasama kami sa Home Sweetie Home... nagte-taping kami and then, after taping, we drink.

"We went out kasi ano lang naman yun, sitcom, maaga natatapos.

"And hindi lang naman kami yun, kaming lahat, pati yung assistant director, and sometimes the director and yung EP namin."

Matatandaang nitong March ay na-link sina Ellen at John Lloyd dahil magkasama silang nagbakasyon sa Ilocos Norte.

Ito ay matapos makipag-break ng 29-year-old actress kay Baste. 

Sa kanilang mga naunang panayam, itinanggi pareho nina Ellen at John Lloyd na may namamagitan sa kanila.

Nang tanungin kung minsan na rin ba niyang nakita si John Lloyd bilang potential boyfriend gayong pareho silang single, pabirong sagot ni Ellen, "Oo, pero hindi rin ready yun si Kuya, marami yung drama in life, ako rin!"

 


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna brushes off recent kiss with ex Baste Duterte
Ellen Adarna brushes off recent kiss with ex Baste Duterte
Ex-couple Ellen Adarna and Baste Duterte kiss in public
Ex-couple Ellen Adarna and Baste Duterte kiss in public


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN