Comedienne Moi Marcampo apologizes to Vice Ganda

IMAGE Instagram: @praybeytbenjamin / @moibien80

Si Moi Marcampo ang naunang humingi ng dispensa sa kaibigang si Vice Ganda dahil sa kanilang tampuhan. Hindi naman nag-atubili si Vice na patawarin ang kaibigan at humingi rin ito ng paumanhin. 


Tinanggap ni Vice Ganda ang paumanhin ng kaibigan at personal assistant ni Piolo Pascual na si Moi Marcampo.

Sa Instagram post ni Moi noong Lunes, August 7, ay ibinahagi niya kung paano sila nagkabati ni Vice.

Sinimulan niya ito sa pamamagitan ng paghalaw sa isang linya mula sa pelikulang Kita Kita, kung saan isa si Piolo sa mga producer.

Sabi ni Moi, "nag bilang ako ng 1 hanggang 10 kung gagawin ko ba? kung mag sorry ba ako?

"nung sa pang sampu na ako nag desisyon na ako na kailangan itext ko na ang kaibigan ko para maging okay na kame

"alam ko pag galit ang isang tao kailangan mong maghintay para maghilom ang sugat at may tamang panahon para sa mga bagay bagay"

Patuloy niya, “Ang salitang SORRY ay mahirap sabihin lalo na pag mataas ang pride mo, pero SORRY din at pagpakumbaba ang sagot sa lahat ng problema ng bayan…"

Naka-tag dito ang Instagram account ni Vice na @praybeytbenjamin."

Matapos nito, nagpalitan ng “I love you” messages sina Moi at Vice sa comment section, sabay sabing nami-miss nila ang isa’t isa.

Sa comment section din, sinabi ni Piolo kay Moi na, “Sakit sa batok tol!”

Hindi naman tinukoy ni Moi kung ano ang dahilan ng kanilang tampuhan ni Vice.

Si Moi ay isa ring TV and movie personality.

Naging castaway siya sa celebrity edition ng Survivor Philippines sa GMA-7 noong 2010.

Lumabas siya sa mga pelikulang Kimmy Dora, The Mommy Returns, at sa Cinemalaya 2017 entry na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.

Kabilang naman sa teleseryeng nilabasan niya ang My Binondo Girl, Apoy Sa Dagat, Moon of Desire, at ang kasalukuyang umeereng My Love From The Star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN