Andrea Torres on being paired anew with Dingdong Dantes: "Hindi po ako kailangan pagselosan."

IMAGE Noel Orsal

Andrea Torres: "Kapag may negative, huwag mo siyang sasanggain ng negative, sanggain mo siya ng positive. Sabi nga nila, kung ano ang ginagawa mo, yung ang babalik sa 'yo."


Hindi raw nababahala si Andrea Torres sa muling pagsasama nila ni Dingdong Dantes sa Alyas Robin Hood, ang part 2 ng matagumpay na action-drama series ng GMA Network.

Sa ginanap na press conference ng teleserye kagabi, August 9, nabanggit ng reporters kay Andrea na posibleng maungkat muli ang nakaraang isyu sa kanila ni Marian Rivera, misis ni Dingdong.

Matatandaang nagkaroon ng kontrobersiya sa pagitan ng dalawang aktres habang umeere pa ang unang Alyas Robin Hood.


Stories We Are Tracking

Andrea to leave Triple A amid issue with Marian?
Andrea to leave Triple A amid issue with Marian?
Marian and Andrea allegedly involved in snubbing incident
Marian and Andrea allegedly involved in snubbing incident

Ayon naman kay Andrea, ayaw na niyang isipin ang mga posibleng maging isyu sa pagtatambal nilang muli ni Dongdong.

“Wala naman akong ibang kinatatakutan. Si God lang ang kinatatakutan ko.

“Basta professional lang, I think yun naman talaga dapat.

“We came here to work, ang focus mo lang kapag pumupunta ka sa set is yung work lang.

"Hindi yung mag-iisip ka ng kung anu-ano pa," saad niya.

Hindi rin daw nagdalawang-isip si Andrea na muling tanggapin ang offer na maging bahagi ng ikalawang season ng Alyas Robin Hood.

Katuwiran niya, “Blessing 'yan, work 'yan, maraming gustong mag-artista.

"And naramdaman ko yung feeling na gusto kong magkaroon ng project, kailan yun darating.

“Ngayong may dumarating ng mga soap, parang hindi tamang mamili o pag-isipan siya ng ganun.”

Kung sakali, tiniyak ni Andrea na hindi siya dapat pagselosan, na sinasabing isa sa mga dahilan ng hidwaan umano nila ni Marian.

“Hindi po ako kailangan pagselosan.

“Iniisip ko na lang na that's love.

"They're just being protective, pagmamahal lang yun.

"I completely understand, it's part of the job.”

Bukod kay Andrea, makakasama rin sa Alyas Robin Hood ang sexy actress na si Solenn Heussaff.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

SPREAD POSITIVITY. Dahil sa mga pinagdaanang intriga, nabanggit ni Andrea na natutunan na niya kung paano harapin ito nang maayos.

Saad ng Kapuso actress, “Habang tumatagal, masasanay ka rin.

“Totoo naman ang sinasabi nila, masasanay kang may nakikitang negative tungkol sa 'yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang maa-accept mo na hindi lahat ng tao, gusto ka. I think it's part of the business.

“Parang kung titingnan mo siya in a positive way, okay din, para balanse lahat.

"Parang nakaka-humble din naman ang ganun.”

Pagdating naman sa mga negatibong komento at bashers, ito raw ang na-realize ni Andrea: “Kapag may negative, huwag mo siyang sasanggain ng negative, sanggain mo siya ng positive.

“Sabi nga nila, kung ano ang ginagawa mo, yung ang babalik sa 'yo.

“Kung aawayin mo, lalong gugulo. Pero kung di mo papatulan, mas hihina.

“Siyempre, oo, maaapektuhan ka. Pero nasa sa 'yo naman yun.

"Kung paano mo ikokundisyon ang sarili mo para hindi ka matagal maapektuhan.

“Pray talaga. Kasi, kapag pinatulan mo pa, lalaki pa.

“Siyempre, gusto mong hanapin yung best possible thing na gawin to deal with it.

"Which is, wala kang sasaktang ibang tao.”

Pagkatapos ay muli niyang idiniin ang pagiging laging positibo sa anumang sitwasyong pinagdadaanan.

Pahayag ni Andrea, “Ang learning ko talaga is kung ano yung ibigay mong vibe sa mundo o sa universe, yun ang babalik sa 'yo.

“So, kailangan mo lang talaga mag-effort palagi na tingnan mo lang talaga ang brightside ng lahat ng bagay.

“Ang tagal ko na rin kasi, so along the way talaga, ipinapakita sa akin kung ano talaga ang dapat pagdating sa showbiz.

"Paano ba dapat ang mindset mo, paano ba talaga dapat kumilos.

“Parang dumating sa point na naging strong ka na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN