Mikoy Morales confirms breakup with Thea Tolentino

IMAGE Instagram

Mikoy Morales on breakup with Thea Tolentino: "Feeling ko lang na parang may sacrifice na kailangang gawin para makamit mo talaga yung mas malaking pangarap mo."


Hiwalay na sina Mikoy Morales at Thea Tolentino.

Inamin ito mismo ni Mikoy nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Kapuso sitcom na Pepito Manaloto, sa Casa Milan Village, Quezon City, nitong Miyerkules ng hapon, August 10.

Apat na taon ding tumagal ang kanilang relasyon.

Nagsimula ang rebelasyon ni Mikoy nang tanungin ng PEP kung ano ang sikreto ng relasyon nila ni Thea.

Sagot ng 23-year-old actor-singer, "Yung honesty tsaka yung parang pagiging open-minded, yung pagiging understanding sa isa’t isa tsaka sa work."

Sumunod ay tinanong namin kung napag-uusapan na ba nila ni Thea ang tungkol sa kasal.

Dito na umamin si Mikoy na break na sila.

“Actually… nagkanya-kanya na kami.

“Nagkanya-kanya na kami, pero anyway… we’re on good terms.

“Ako pa ang na-timing-an na unang nainterbyu!” sabay tawa ni Mikoy.

BIG DECISION. Noong Sabado, August 5, lamang daw naganap ang breakup nila.

Ano ang dahilan?

“Talagang nag-decide kami na… we just both felt na parang we’re meant for greater things,” tugon ni Mikoy.

Ibig bang sabihin ay hindi “great” ang relasyon nila?

“It is. Pero….”

“Greater things” daw sa buhay at career ang nais nilang pareho.

Sa tingin ba ni Mikoy ay may kulang sa kanilang relasyon?

“Hindi, e. Kaso parang naramdaman namin na hindi pa ito yun, e,” sabi niya.

Tingin din daw nilang dalawa ay may “greater things” pa silang dapat ma-achieve sa kanilang career at mga sarili.

“Baka probably something that would change lives in this industry and that would require one hundred focus for us.” 

Ibig bang sabihin ay hindi sila nakakapag-focus ni Thea sa kanilang sarili at sa kanilang career noong sila pa?

“Hindi naman... kaya naman.  

“Pero at a certain point, mararamdaman niyo rin kasi na parang dahil siya si Thea, dahil ako si Mikoy, there are just instances na hindi namin maiwasan dahil sa differences namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, those differences are totally workable.

"But for us, not at this point, kasi that would require too much from us.

“Na parang imbes na yung energy sana na dina-divert namin na nag-a-adjust kami sa isa’t isa, i-divert na namin sa work… muna,” paliwanag ni Mikoy.

Mahal pa rin ba nila ang isa’t isa?

Sagot niya, “Oo, mahal pa rin namin ang isa’t isa.

"And feeling namin, nagawa na naming lahat ng kailangang gawin para sa sarili namin, then why not, di ba?"

IT TAKES TWO. Mutual decision daw ang breakup nila ni Thea.

Kuwento pa ni Mikoy, napag-usapan nila ni Thea isang araw ang mas marami pang posibilidad sa buhay nila.

“So, nitong huling pag-o-open up niya sa akin, parang may nararamdaman nga siya.  

“Na parang, ayun, na minsan sumasagi sa isip niya na paano kung single, or paano kung hindi kami, baka ano kaya ang ginagawa niya ngayon?

“Sabi ko, ‘Alam mo, naisip ko rin 'yan!’” at tumawa si Mikoy.

“Tapos parang, parehas pala kami!”

Si Thea ba ang unang nagpahiwatig ng ganitong saloobin?

“In this case, oo.

“Siya na ang nag-open up kasi turn na niya, e.” 

Subalit pilit na nilinaw ni Mikoy na career move ang naging desisyon nilang dalawa, at hindi dahil sa hindi na nila mahal ang isa’t isa.

Bagamat umiyak daw silang pareho sa nangyari, naiintindihan nila kung bakit humantong ang kanilang relasyon sa hiwalayan.

“It’s for the best,” sambit ni Mikoy.

“I mean, this decision was…

“Feeling ko lang na parang may sacrifice na kailangang gawin para makamit mo talaga yung mas malaking pangarap mo.”

Paano kung may ibang manligaw kay Thea o kaya naman ay may iba na siyang mapusuan?

Sagot ni Mikoy, “Kung mangyari yun, e, di sige…

“Let things happen naturally. We don’t want to restrict ourselves.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Mikoy at Thea ay parehong produkto ng Kapuso talent search na Protégé: The Battle For The Big Artista Break noong 2012.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN