Dingdong Dantes refuses to comment on Marian Rivera-Andrea Torres rumored feud

IMAGE Noel Orsal

Although he admits that bashers get to him at times, Dingdong Dantes says he won't give them the attention they don't deserve. But if they step out of line, "Huwag na nilang subukan," he warns.


Ayaw nang magkomento ni Dingdong Dantes sa tila walang-kamatayang isyu sa pagitan ng misis niyang si Marian Rivera at sa leading lady niya sa Alyas Robin Hood na si Andrea Torres.

Pero nagsalita ang Kapuso actor tungkol sa isyu ng bashing sa social media, kaugnay ng patuloy na pambabatikos sa kanyang leading lady.

Seryosong sabi ni Dingdong, “Karapatan naman nila na magkomento.

“Pero minsan, kapag nasa social media, kailangang ma-regulate din ang mga sinasabi, mga pinu-post at mga ginagawa.
 
“Kasi kapag dumating na sa bashing, cyberbullying na yun… no one deserves to be cyber bullied. 

“And cyberbullying can [lead] to so many things... nandiyan ang depression.

“May mga studies sa National Youth Commission na sinasabi na marami rin ang nagsu-suicide sa kabataan dahil sa kanilang interaction sa social media na hindi nila ma-control.
 
“So, yung mga bagay na ganito, kailangang regulated talaga.

“Kahit sabihin nating freedom of speech, freedom of expression, kailangan may regulation pa rin kahit papaano.”
 
STANDARD OF DECENCY. Paliwanag pa niya, “Nakikita niyo naman yun, you can see it, hindi mo rin siya maku-control. 

“Maaaring sa pakiramdam mo, mababaw sa ‘yo yun, malalim sa iba. 

“Dun pa lang, hindi mo na mawe-weigh kaagad yun.
 
“Wala pa namang standard na sine-set na ito bawal, ito hindi puwede. 

“So self-regulation na lang din kung gaano ka kadisente, kung gaano ka ka-engaged. 

“Kung anong level ng diskurso ang gusto mo, yun ang magde-define kung anong klase ka rin na tao.”
 
Inamin ni Dingdong na bilang artista ay dumarating rin na naapektuhan siya ng mga pangba-bash ng netizens?
 
“Of course, tao tayo, may feelings tayo, pero kailangan mo lang din i-set sa sarili mo kung ano ba ang mahalaga.
 
“Kapag yung lahat ng efforts mo ay itinuon mo dun, masasayang ang araw mo.

“Mas marami kang magagandang bagay siguro na kailangang gawin.”
 
Dinedeadma na lang niya?
 
“Ah, hindi, kapag siguro out of line…” sabi ng aktor.
 
Mayroon na ba siyang pinatulan?
 
“Huwag na nilang subukan!” natawang sabi ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa presscon ng ikalawang yugto ng Kapuso primetime series na Alyas Robin Hood noong Miyerkules, August 9.
 
FAMILY TIME. Busy ngayon ang mag-asawang Dingdong at Marian sa kani-kanilang trabaho.

Dalawa ang pelikulang ginagawa ni Dingdong; isa sa Viva at isa sa Star Cinema.

Bukod pa sa regular taping niya para sa Alyas Robin Hood.

Si Marian naman ay nagbabalik na sa primetime seriesm bukod pa sa weekly shows niya sa network.

Ito nga raw ang panahong kailangan nilang tiisin ang mga oras na wala sila sa tabi ng kanilang anak na si Baby Zia.

“Oo,” pag-amin ni Dingdong. “Hindi naman forever ‘yan, so tiis ng ilang buwan, matatapos din yun.
 
“At lahat naman ng ito ay para sa kanya.”
 
Naisingit nga ng pamilya na magbakasyon sa Siargao pagkatapos ng birthday ni Dingdong noong August 2.

Sa August 12 naman ang kaarawan ni Marian at, ayon kay Dingdong, “Basta magkasama lang kami, ganun naman palagi.”
 
Wala na silang planong mag-out of town?
 
Tugon niya, “Wala, wala kasi hindi na puwede.

“Eere na kami kaya hindi na puwedeng lumabas. 

“Yung Siargao, combined birthdays na namin yun.”
 
Ano naman ang naging birthday gift ni Marian sa kanya?
 
“Yung kanyang presence, naks, high school!” natawa niyang sambit.
 
Nabanggit ni Marian sa huling interview niyang pagkatapos ng ginagawa niya ngayong primetime series sa GMA-7, posibleng ang pagkakaroon ng kapatid ni Zia ang pagtutuunan nila ng pansin.
 
“Oo,” pagsang-ayon ni Dingdong.

Pero tulad daw ng hashtag sa kasal nina Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan, iyon din daw ang masasabi niya.

“Gagamitin ko na rin yun, na #InGod’sPerfectTime,” nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN