Arthur Solinap begins new life as married man with wife Rochelle Pangilinan

IMAGE Romme Gonzales / Nice Print Photo

Arthur Solinap on his new life as a married man: "Maraming magi-give up siyempre, yung hindi na sarili ko lang, mababawasan yung mga luhu-luho ko. Siyempre hindi na buhay-binata, talagang mag-iiba yung status ko, yung behavior."


Sumabak agad sa trabaho ang Kapuso actor na si Arthur Solinap matapos ang kasal nila ni Rochelle Pangilinan sa Tagaytay noong Martes, August 8.

Kahapon, August 10, bumaba na ng Maynila si Arthur para sa taping ng weekly sitcom ng GMA Network na Pepito Manaloto.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor kung bakit sa halip na nasa honeymoon sila ni Rochelle ay nasa taping na siya agad.

“Hindi pa naman naka-set yung ano, e… end of the year,” tugon niya.

Ayon pa kay Arthur, sa Europe nila planong pumunta sa December for their honeymoon.

Pareho raw nilang dream na magpunta sa European countries, tulad ng Italy.

“Tsaka wala kaming schedule, e, usapan namin pahinga muna.

“Tapos may gagawin yata siyang show, sabi sa kanya ni Perry, tapos ako rin papasok yata ng Robin Hood."

Si Perry Lansigan ang manager nina Arthur at Rochelle.

Ang Alyas Robin Hood naman ang primetime series na pinagbibidahan muli ng pinsan ni Arthur na si Dingdong Dantes.

EXPECTATIONS. Ngayong isa na siyang mister, ano ang expectations ni Arthur sa buhay?

Saad niya, “Ready na naman akong mag-ano, e, gumawa ng sariling family.

“Tapos maraming magi-give up siyempre, yung hindi na sarili ko lang, mababawasan yung mga luhu-luho ko.

“Siyempre hindi na buhay-binata, talagang mag-iiba yung status ko, yung behavior.”

Pero kahit daw misis na niya si Rochelle ay wala siyang ipagbabawal dito, lalo na pagdating sa trabaho, tulad ng pagpapaseksi.

Ayon kay Arthur, “Kasi siya mismo, ayaw niya ng ganyan.

“Kahit dati, ayaw niya ng mga bed scene-bed scene.

“Hindi ko na kailangang ano... alam na niya ang dapat at hindi dapat.”

Napag-uusapan na ba nila ang tungkol sa pagkakaroon ng anak?

“Ang baby, actually, kung ibibigay agad, why not?” tugon ni Arthur.

Sinabi ni Rochelle sa isang interbyu na natatakot siyang magbuntis agad dahil sa mga kuwento-kuwentong mahirap magbuntis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ready na yun!” natawang sabi ni Arthur.

THE NIGHT BEFORE… Noong gabi bago ang araw ng kanilang kasal, ano ang nasa isip ni Arthur?

“Ano na, e, excitement na, e, 2-3 days before, puro excitement na.

“Wala na yung kaba, yung stress, puro excitement,” sabi niya.

Gusto na nga raw niyang hilahin ang oras at araw para Martes na.

Paggising naman niya sa araw mismo ng kasal nila, ano ang unang pumasok sa kanyang isip?

Natatawang sabi ni Arthur, “Actually, masarap yung tulog ko, e!

“Maaga akong nakatulog, kaso lang nagising ako ng alas-singko ng umaga.

“Ewan ko, bigla na lang, excitement.

“Ang feeling ko, parang 7-8 na ng umaga, sabi ko, 'Ang sarap, ang haba ng tulog ko!'

“Pagtingin ko sa oras, 5 [AM] pa lang, tapos hindi na ako nakatulog.”

Ano naman ang naramdaman ni Arthur habang ikinakasal sila ni Rochelle? Umiyak ba sila?

“Sa vows, dun kami umiyak.”

Bakit siya umiyak?

“Siguro naalala ko lang lahat ng mga napagdaanan namin.

“Kasi dun sa vows, iyon ang sinabi ko, e.

“Sabi ko, 'Hindi ka nag-give up sa akin.'”

Siyam na taon ang relasyon nina Arthur at Rochelle bago sila nagdesisyon magpakasal.


Stories We Are Tracking

Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap tie the knot
Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap tie the knot
Arthur Solinap, Rochelle Pangilinan's vows are tearjerkers!
Arthur Solinap, Rochelle Pangilinan's vows are tearjerkers!
All the amazing details about Arthur and Rochelle's wedding
All the amazing details about Arthur and Rochelle's wedding
Rochelle Pangilinan's exquisite bridal cape: details!
Rochelle Pangilinan's exquisite bridal cape: details!

MAGIC MIKE NUMBER. Ikinagulat at ikinatuwa naman ni Arthur ang mala-Magic Mike production number ni Rochelle.

“Nagulat ako kasi nandun ang pamilya ko, baka sabihin, ‘Ano itong…’ Iyon lang naman!”

Nagulat din si Rochelle sa song number ni Arthur.

“Kasi alam niyang fear ko yung kumanta.

“Hate na hate ko yun, hiyang-hiya ako.

“Tiniis ko yung fear ko.”

Sa wedding ay solo munang kumanta si Arthur.

Pagkatapos ay lumabas for a Maroon 5 number ang mga pinsan niyang sina Dingdong at Carlo Gonzalez, at ang Pepito Manaloto co-stars niyang sina John Feir at Michael V.

Sabi pa ng aktor, “Dati pa yun, narinig ko na sinabi niya na iiyak siya kapag kinantahan ko siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At umiyak nga si Rochelle habang pinapanood na kumakanta ang mister.

Hanggang matutulog na raw sila after the wedding ay sobrang overwhelmed sina Arthur at Rochelle dahil sa pagdalo ng mga mahal nila sa buhay at mga kaibigan.

Inabot daw sila ng alas-otso ng umaga sa pakikipagkuwentuhan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN