Gina Alajar shrugs off Suzette Doctolero's negative review of Cinemalaya 2017 entry, Nabubulok

Veteran actress/director Gina Alajar, who is one of the lead stars of the Cinemalaya 2017 entry Nabubulok, harbors no ill feelings towards renowned scriptwriter Suzette Doctolero for lambasting the movie in her online review: "It's not a matter of life and death para magkagalit-galit tayo. Matanda na tayo di ba? Yung pusong mamon natin, hindi na siguro 'yan. Dapat maghabaan na lang tayo ng pasensya sa isa't isa."


Ipinagkibit-balikat na lamang ni Gina Alajar ang mga kumalat na negatibong feedback tungkol sa pelikula niyang Nabubulok na entry ng baguhang direktor na si Sonny Calvento para sa Cinemalaya 2017.

Read: Suzette Doctolero on Nabubulok: "Ul*l yun"; cinematographer Neil Daza responds

Natawa na lang siya nang tinanong tungkol sa matinding komento ni Suzette Doctolero laban sa naturang pelikula.

Si Suzette ay headwriter at Creative Consultant for Primetime sa GMA Network.

Nakausap ang actress/director kagabi sa radio program ni Noel Ferrer na Level Up ng 990 Radyo Inquirer, pagkatapos ng screening ng closing film ng Cinemalaya na Pastor ni Direk Adolf Alix.

Ayaw na niya sanang patulan pa ang mga pinagsasabi ni Suzette tungkol sa kanyang pelikula, pero napilitan na rin siyang magbigay ng sagot tungkol dito.

Lahad niya, “Unang-una, you have to understand where the person is coming from.

“Yung kasamahan namin na yun ay matagal na rin namang kakilala.

“Hindi ka nagugulat sa mga ganung komento.”

Pero sabi naman ni Gina, dahil magkakasama naman daw sila sa industriya, mas mabuting manahimik na lang sana.

RESPECT. May ilang kaibigan din naman daw siyang nagbibigay ng sarili nilang komento na nababasa sa Facebook, pero safe naman daw at ang iba nga ay hindi na lang nagbigay ng opinyon.

Pahayag ni Gina, “My own personal opinion, I didn’t see all the movies, I’ve read so much on Facebook saying like this, like that...

“Sa sarili ko lang, ay sayang kahit hindi niya nagustuhan, sana meron naman siyang sinabi.

“On the other hand, naisip ko rin na siguro wala siyang magandang masabi kaya hindi na lang niya sinabi. So, tumahimik na lang siya.

“Mas na-appreciate ko yung tumahimik na lang siya kasi isang industriya lang naman natin tong ginagalawan natin, magkakilala naman tayo.

“Buti sana kung hindi tayo pare-parehong practitioner, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UNREALISTIC STANDARDS? Karamihan naman daw na isinasali sa Cinemalaya ay mga first-timer na director kaya hindi na raw sana nahusgahan agad.

“Magkakilala naman tayo sa isa’t isa, and we also have to remember that he’s a first-time director.

“Kaya nga may Cinemalaya na may mga indie na ganyan, ang dami-dami nilang ganyan kasi di ba, naghahanap sila ng mga directors, ng mga bagong directors?

“So, hindi mo naman sila puwedeng i-judge sa una nilang pelikula, yung ganun,” tugon nito..

NO ILL FEELINGS. Wala naman daw siyang sama nang loob kay Suzette, dahil opinyon naman daw niya iyun.

Sa panahon ngayon, hindi na raw kailangang magkasamaan pa nang loob.

“Well, she has her own standard, okay na yun.

“Wala naman akong ano…it’s her ano…dinidiin lang niya ang kanyang thoughts about the movie, ganyan lang yan.

“I understood, it’s not a matter of life and death para magkagalit-galit tayo.

“Matanda na tayo di ba? Yung pusong mamon natin, hindi na siguro 'yan.

“Dapat maghabaan na lang tayo ng pasensya sa isa’t isa,” napapangiti na lang na pahayag ni Gina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN