Is Solenn Heussaff willing to do a bikini showdown with Andrea Torres?

IMAGE Noel Orsal

Solenn Heussaff admits she has a lot of preparing to do for her bikini face-off with her Alyas Robin Hood 2 co-star Andrea Torres: "I have to make preparations kasi wala akong laban sa body ni Andrea. Andrea is so sexy and she has these curves. Ako kasi, diretso ang katawan ko! As in, wala akong waist. Parang katawan ng lalake!"


Dahil ka-love triangle ni Solenn Heussaff sina Andrea Torres at Dingdong sa bagong season ng Alyas Robin Hood ng GMA-7, asahan din ang magiging showdown nilang dalawa.

Kung sa unang season ng Alyas Robin Hood ay nag-bikini showdown sina Andrea at Megan Young, hindi raw imposibleng maulit ito sa second season.

“Ako naman, game ako kahit ano pa ipagawa ni Direk Dom [Zapata] sa akin.

“If they still want a bikini showdown, okey din.

"But I have to make preparations kasi wala akong laban sa body ni Andrea.

“Andrea is so sexy and she has these curves. Ako kasi, diretso ang katawan ko!

“As in, wala akong waist. Parang katawan ng lalake!” sabay tawa niya niya.

Pahabol pa niya, “Very androgynous nga raw ako. Dinadaan ko na lang daw sa projection para magkaroon ako ng curves.

“Kaya I need lots of time to prepare para mapantayan ko ang sexy figure ni Andrea.”

BABY PLANS. Sa edad na 34 na raw nakaplano ang pagbubuntis ni Solenn.

Ito na raw ang napagkasunduan nila ng kanyang mister na si Nico Bolzico na parati siyang kinukulit na magkaroon na sila ng baby.

“I know why Nico is always making kulit na magka-baby na kami because he’s worried na baka when the time comes na gusto ko nang magbuntis, mahihirapan na ako.

“Now kasi, I’m 32 and I will give myself two more years bago magbuntis.

“Marami pa kasi tayong kailangan matapos na mga commitments sa career ko and getting pregnant now is not the right time din.

“But I’m happy that Nico is concerned about me.

“Siya kasi, walang akong worry.

“Sabi nga niya sa akin, ‘Don’t worry about me. I’m a stallion. I’m always good to go!’” natatawang kuwento pa ni Solenn nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch para sa second season ng GMA-7 primetime teleserye na Alyas Robin Hood sa Le Reve Events Venue in Quezon City noong nakaraang August 9.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LESS TIME WITH NICO? Dahil sa pagkakasama ni Soleen sa cast ng Alyas Robin Hood 2, worried na naman ni Solenn dahil muling mababawasan ang oras at panahon niya para sa kanyang mister.

Noong panahon na busy si Solenn sa telefantasya na Encantadia, halos hindi na raw sila nagkikita ni Nico.

“Ilang months din naman akong bumawi sa kanya.

“Noong matapos yung Encantadia and Full House Tonight, doon na ako nagkaroon ng maraming time for Nico kasi Food Buddies na lang yung ginagawa ko.

“We travelled a lot. I made bawi kasi alam kong he got frustrated sa mga dinner and movie dates na naka-cancel because I was so busy working.

“But now, aside sa Alyas Robin Hood, I have another show with GMA-7, so heto na naman tayo, busy again.

“Pero si Nico naman, kapag ako naman ang walang work, siya ang wala.

“He’s either in Cagayan de Oro or GenSan. May mga business kami doon and he oversees everything.

“Minsan nagugulat na lang ako na I would call him and he would be at the airport ang he’s going either to CDO or GenSan.

“Kaya ayun, pareho kaming busy.

“As much as possible, I don’t accept work on Sundays kasi that’s my time with Nico.

“Kahit na mga personal appearances, hindi ako tumatanggap kapag Sunday kasi gusto ko ring makita ang mister ko,” tawa pa niya.

Natuwa naman daw si Solenn na naging part na siya ng pagbabalik ng Alyas Robin Hood.

First time kasi niyang makakatrabaho ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

“I was super happy, shocked din, sabi ko, 'Ha? Totoo ba ito?'

“Tapos, sabi nila, 'Leading lady ka with Andrea [Torres].'

“Sabi ko, 'Oh my, ang galing-galing pa niya, di ba?' So I'm gonna learn a lot in this show also," diin pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EXCITED TO DO ACTION SCENES. Excited na rin si Solenn sa mga gagawin niyang action scenes.

Handa na raw ang katawan niya dahil sa naging training niya noon sa Encantadia.

“Actually, puwede na akong magtrabaho bilang stuntwoman after Encantadia!

“So it's gonna be a good continuation at baka mas maganda pa yung mga moves ko dito kasi may training ako for one year.

“Everyday nagdyi-gym ako, tumatakbo ako ng mga 10k.

“Tapos, may app din ako sa phone ko na pang abs, arms, legs, tapos on the side I do biking, tapos boxing tapos pilates na type, pero mas intense.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN