Heart Evangelista declines to comment on Marian Rivera's latest issue: "I want to but I choose not to."

IMAGE Noel Orsal

Heart Evangelista on dealing with bashers: "They keep going, they keep punching you. You try not to fight back, they still punch you. But then, that's when you have to realize that you have an amazing life, remember that."


Hanggang ngayon ay pilit pa ring pinagsasabong ang dalawang Kapuso prime stars na sina Heart Evangelista at Marian Rivera.

Ito ay sa kabila ng anim na taon na ang nakalilipas mula nang magkaroon sila ng hidwaan habang ginagawa ang pelikulang Temptation Island noong 2011.

Kamakailan ay lumutang ang balitang tinarayan diumano ni Marian ang leading lady ng mister niyang si Dingdong Dantes sa Alyas Robin Hood na si Andrea Torres.

Pareho itong itinanggi ng magkabilang kampo.


Stories We Are Tracking

Dingdong refuses to comment on Marian-Andrea rumored feud
Dingdong refuses to comment on Marian-Andrea rumored feud
Andrea to leave Triple A amid issue with Marian?
Andrea to leave Triple A amid issue with Marian?

Dahil dito, hindi maiwasang tanungin si Heart tungkol sa panibagong isyu na kinasasangkutan ni Marian.

Tila pareho raw kasi ang nangyari noon kina Heart at Marian sa nangyayari ngayon kina Marian at Andrea.

Ngunit para kay Heart, hangga't maaari ay ayaw na niyang magsalita tungkol dito.

Pahayag ng 32-year-old actress, “Well yung… what do I say? No comment. Sorry.

“I want to but, you know, I choose not to. I really choose not to.”

Madalas ding pinagkukumpara ng fashion at entertainment websites at maging ng netizens ang mga suot na damit, pati na ang luxury bags na kanilang pagmamay-ari, nina Heart at Marian.

Nagkataon nga lang ba ito?

Pahayag ng misis ni Senator Chiz Escudero tungkol dito, “Well, she [Marian] works hard for what she has. So, good for her.

"I’m also the same. So, buy the world, if you must, to make you happy."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa grand presscon ng My Korean Jagiya, na ginanap sa isang Korean restaurant sa may Quezon City, kaninang hapon, August 14.

Ang My Korean Jagiya ang bagong primetime series ng GMA Network na magsisimula sa August 21.


ON DEALING WITH BASHERS. Si Heart ay pumapatol dati sa bashers. Pero ngayon ay hindi na raw niya ito ginagawa.

Paliwanag niya, “You have to remind yourself, your life is amazing.

"Sometimes you forget, sometimes you take that for granted.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, this negative other fellow says negative things about you.

"And they keep going, they keep punching you.

“You try not to fight back, they still punch you.

"But then, that’s when you have to realize that you have an amazing life, remember that."

Dagdag pa ni Heart, “And it’s a sin to even allow it to bother you because, di ba, biniyayaan ka na ni Lord, e? So, bakit magrereklamo ka pa ng ganito, ganyan?

"So, no. You have to fight it because it’s a sin for you to take it in.

"Kasi maayos naman ang buhay mo.

"Healthy ka, okay na yung career mo, family life mo. What more can you ask for?

"So, you have to learn to just laugh at it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN