What will Ryan Santiago's younger brother miss most about him?

IMAGE Courtesy: @raikosantiago (Instagram) / Ryan Leonardo on Facebook

Ayon kay Raiko Santiago (kaliwa), ikinagulat ng kanilang pamilya ang biglaang pagpanaw ng kanyang kuya na si Ryan Santiago (kanan). Sina Raiko at Ryan ay dalawa sa tatlong anak nina Randy Santiago at Marilou Coronel.


Marami raw mami-miss si Raiko Santiago sa kanyang yumaong kuya na si Ryan Santiago.

Sina Raiko at Ryan ay dalawa sa tatlong anak na lalaki ng mag-asawang Randy Santiago at Marilou Coronel.

Ang panganay ay si Raphael, pangalawa si Ryan, at bunso naman si Raiko.

Sumakabilang-buhay si Ryan noong Linggo ng gabi, August 13, sa edad na 24.


Ayon kay Raiko, masayahing tao ang kanyang namayapang kapatid.

“Yung personality niya kasi yung lagi siyang nagpapasaya sa family namin,” sabi niya.

Anong klaseng kuya si Ryan?

Sagot ni Raiko, “Si Kuya, okay naman. Protective tsaka he loves us talaga as brothers.”


Bagamat tatlong taong naratay sa banig ng karamdaman si Ryan, dahil sa rare brain disease at multiple sclerosis, nagulat pa rin daw ang pamilya Santiago sa pagpanaw nto.

Sabi ni Raiko, “Yes, parang bigla lang nanghina siya tapos, yun, ni-rush namin siya sa hospital.

"Trinay i-revive pero he didn’t make it na."


Stories We Are Tracking

Randy Santiago in shock over death of second son
Randy Santiago in shock over death of second son
Randy Santiago's 24-year-old son passes away
Randy Santiago's 24-year-old son passes away
Ryan Santiago tearfully remembered by Dani Barretto
Ryan Santiago tearfully remembered by Dani Barretto


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN