Hashtags member Ryle Santiago recalls favorite childhood memory with late cousin Ryan Santiago

IMAGE Courtesy: @hashtag_ryle (Instagram) / Ryan Leonardo Santiago on Facebook

Ryle Santiago (left) recalls playing with cousin Ryan Santiago (right) as a kid. According to Ryle, Ryan made him pretend to be Spiderman and even put glue on his hands to mimic the superhero's spider web. "Yung glue naman, hindi naman dumidikit sa pader," related Ryle.


Kuya raw kung ituring ng Hashtags member na si Ryle Santiago ang yumao niyang pinsan na si Ryan Santiago.

Si Ryle ay anak ng aktres na si Sherilyn Reyes sa dati nitong asawa na si Reily 'Jun-jun' Santiago, business unit head ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Si Ryan naman ay pangalawa sa tatlong anak nina Randy Santiago at Marilou Coronel.

Pumanaw si Ryan noong Linggo, August 13, sa edad na 24.

Sa unang gabi ng lamay ni Ryan noong Lunes, August 14, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryle.

Ayon kay Ryle, anim na taon ang agwat ng kanilang edad, pero si Ryan ang isa sa pinakamalapit niyang pinsan.

Kuwento niya, “Noong bata ako, isa siya sa pinaka-close kong mga pinsan.

“Yung tipong yung mga laru-laro namin noong bata pa kami was one of the best.

“Tsaka sa kanya ako nakaranas ng unang mga memories ng isang kuya, sa kanya galing."

Ano ang hindi niya makakalimutang alaala kasama si Ryan?

Tugon ng 18-year-old Kapamilya talent, “Yung pinaka-alaala ko sa kanya, yung pinaka-favorite kong memory is nung bata ako, kaming dalawa, nasa bahay.

“Sa kuwarto ko, sa kama ko, lahat ng stuffed toys, ginawa niyang spaceship.

"Tsaka lahat nung iba pang stuffed toys, ginawa niyang crew ng spaceship.

“Yun yung pinaka-favorite kong memory sa aming dalawa, na yung tipong nagawa niyang i-spark yung imagination ko nang ganun.

“Lagi ko naalala, yun yung parang pinaka-favorite kong playtime kahit saan, kahit kailan, kay Kuya Ryan talaga."

Patuloy ni Ryle, “Yung tipong nilagyan pa niya ng glue yung kamay ko.

"Uutuin niya ako na Spiderman daw ako.

"Yung glue naman, hindi naman dumidikit sa pader.

“At least, parang binigyan niya ako ng masasayang memory sa mga gusto kong mangyari bilang bata.”


Stories We Are Tracking

What will Ryan Santiago's younger bro miss most about him?
What will Ryan Santiago's younger bro miss most about him?
Randy Santiago in shock over death of second son
Randy Santiago in shock over death of second son
Randy Santiago's 24-year-old son passes away
Randy Santiago's 24-year-old son passes away


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN