Agot Isidro cries foul over fake news about her being kicked out of Boracay hotel

IMAGE Instagram / Twitter

Agot Isidro reacts to a fake news that she was allegedly forced to check out of a hotel in Boracay following an argument with Duterte supporters.


Umalma si Agot Isidro kaugnay ng fake news tungkol sa kanya na lumabas sa isang fake website noong Lunes, August 14.

Sa kanyang Twitter account nitong Miyerkules, August 16, ibinahagi ng singer-actress ang screenshots ng pekeng balitang lumabas tungkol sa kanya.

Tinawag na “fake” at “stupid” ni Agot ang nasabing artikulo.

Itinanggi niyang nasa Boracay siya sa ibinigay na petsa sa artikulo.

Tweet ni Agot, “Fake! Fake! Fake! Was in Cinemalaya the whole day. To divulge my whereabouts that day is unnecessary but this is just way too stooooopid.”

May bahid ng pulitika ang nasabing fake news, kung saan nagkaroon umano ng kumprontasyon sa pagitan ni Agot at ng ilang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte habang naglalakad ang aktres sa may beach sa Boracay.

Nakasulat din sa pekeng artikulo na maaga raw pinaalis si Agot sa tinutuluyang hotel sa Boracay dahil nagkaroon ng komosyon nang sumugod ang mga tagasuporta ni Duterte, at inirereklamo ang singer-actress.

Si Agot ay isa sa mga kilalang kritiko ni Pangulong Duterte. 

Matatandaang naging kontrobersiyal ang pagtawag ni Agot kay Pangulong Duterte na "psychopath" sa isa niyang social media post noong 2016. 


Stories We Are Tracking

Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte 'psychopath'
Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte 'psychopath'
Agot stands firm on 'psychopath' post
Agot stands firm on 'psychopath' post


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN