Aiza Seguerra angered by CA rejection of Judy Taguiwalo's appointment

IMAGE Screengrab from PTV

Aiza Seguerra's initial reaction upon hearing CA's rejection Judy Taguiwalo's appointment as DSWD secretary: "Pinakita ninyong hindi talaga kapakanan ng nakararami ang iniisip ninyo. Ilabas na yan kung sino ang mga bumoto!"


Matinding pagkadismaya ang inihayag ni Aiza Seguerra sa social media dahil sa pagkaka-reject ng appointment ni Judy Taguiwalo bilang secretary ng Department of Social Welfare and Development.

Isa ang singer at kasalukuyang chairperson ng National Youth Commission (NYC) sa mga umantabay sa ikatlong hearing ng Commission on Appointments (CA) para sa confirmation ni Taguiwalo ngayong araw, August 16.

Sa katunayan, nang ihinto ng CA ang hearing kanina, nag-tweet si Aiza ng: “Please naman!!! Ibigay niyo na sa amin si Sec Judy!!!! #confirmJudy

Matapos ang ginawang executive session, inanunsiyo ng CA ang pag-reject nila sa appointment ni Taguiwalo bilang kalihim ng DSWD.

Ito ay lubos na ikinagalit ng “Pagdating ng Panahon” singer dahil napamura na lamang siya nang makita ang balita.

Pagkatapos nito ay sunud-sunod na ang Twitter posts ni Aiza tungkol sa pagkadismaya niya sa naging desisyon ng CA.

Sabi niya, “Pinakita ninyong hindi talaga kapakanan ng nakararami ang iniisip ninyo. Ilabas na yan kung sino ang mga bumoto!

“It is and will always be about politics. Dehado ka pala kapag matinong public servant ka. #ImWithSecJudy

“Ilabas na ang mga pangalan. Wag matakot. Powerful kayo diba.

“Politika ang pumapatay sa bansa natin.”

Si Taguiwalo ay ikatlo sa appointees ni President Rodrigo Duterte na na-reject ng Commission on Appointments.

Nauna nang na-reject sina Perfecto Yasay bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs, na pinalitan ni dating Senador Allan Peter Cayetano, at Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources, na pinalitan namana ni Secretary Roy Cimatu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN