Karla Estrada steps in to ease Daniel Padilla-Paul Salas tension

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Karla Estrada (center) turns to social media to intervene in the growing rift between her son Daniel Padilla (left) and actor Paul Salas (right). 


Isang maikling paalala ang ipinost ni Karla Estrada sa social media bilang reaksiyon sa nangyaring hamunan sa pagitan ng kanyang anak na si Daniel Padilla at ng kapwa nitong Star Magic talent na si Paul Salas.

Naging matindi ang reaksiyon ng supporters ni Daniel laban kay Paul, via social media, dahil sa komento ng huli sa kanilang idolo kaugnay ng nangyaring girian sa pagitan ng La Luna Sangre star at ni JC de Vera sa nakaraang Star Magic All-Star basketball game.

Tila nangungutya raw kasi si Paul at ang mga kaibigan nito.

Hanggang sa nakisali na rin ang celebrity friends ni Daniel laban kay Paul.


Stories We Are Tracking

Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?
Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Karla na huwag nang gatungan ang sitwasyon.

Aniya, “Tama na guys. Matulog tayo ng matiwasay. Lilipas din lahat yan. At tayo tayo rin ang magkikita sa dulo.”

Kalakip ng tweet ni Karla ang screenshot ng komento ng netizen na nagagalit sa tweet ni Paul, na may pictures pang magkasama sina Daniel at Paul.


Stories We Are Tracking

Daniel Padilla, JC de Vera involved in basketball scuffle
Daniel Padilla, JC de Vera involved in basketball scuffle


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN