Daniel Padilla on Paul Salas's comment: "Parang sa akin kasi, medyo nabastos lang ako."

IMAGE Noel Orsal

Ayaw na raw patulan ni Daniel Padilla si Paul Salas sakaling tumugon ito sa kanyang hamon na basketball game. Ang gusto lang daw niya iparating kay Paul ay nabastusan siya sa komento nito sa Facebook.


Hindi raw big deal kay Daniel Padilla ang aksidenteng pagkakatulak sa kanya ni JC de Vera sa Star Magic All-Star basketball game nila sa Araneta Coliseum noong Linggo, August 13.

Pahayag ng La Luna Sangre actor, “Wala naman problema dun.

"After nun, hupa lang ng tensiyon, then okay na.

"Ganun naman talaga sa basketball, hindi naman maiiwasan yun."

Si Daniel ang namuno sa Red Team, habang si Gerald Anderson naman ang captain sa Blue Team kung saan kabilang si JC.

Idinaan ni JC sa Twitter ang kanyang paghingi ng dispensa kay Daniel.

Ngunit may nakisawsaw raw sa isyung ito—ang kapwa nila Kapamilya talent na si Paul Salas.

Sa isang komento sa Facebook, sinabi ni Paul na dapat daw ay "lazer tag" na lamang ang laruin ni Daniel kung ayaw nitong masaktan sa basketball game.

Ang laser tag ay isang tag game kung saan gumagamit ang players ng laser guns.

Hindi nagustuhan ni Daniel ang komento ni Paul kaya hinamon niya ito sa isang basketball game.


Stories We Are Tracking

Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?
Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?
Daniel Padilla, JC de Vera involved in basketball scuffle
Daniel Padilla, JC de Vera involved in basketball scuffle
Karla Estrada eases Daniel Padilla-Paul Salas tension
Karla Estrada eases Daniel Padilla-Paul Salas tension

TWITTER EXCHANGE. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Daniel kagabi, August 17, ipinaliwanag nito kung bakit hinamon niya si Paul.

Pahayag ng 22-year-old actor, “Ayoko lang…. ang sa akin lang, I don’t tolerate things na ganung bagay.

"Parang sa akin kasi, medyo nabastos lang ako.

"Mas bata siya sa akin.

"Ako kasi, pagkatao ko bilang artista, kapag may mas matandang artista sa akin, e, nirerespeto ko.

“Pero para sa akin, kapag ako ang atakihin mo, may pinagsamahan pa naman kami, so hindi ko lang tinolerate yung mga ganung bagay.

"Kailangan ko siyang… okay na yun."

Si Paul ay 19 years old.

Nagkasama sina Daniel at Paul sa 2013 movie na Must Be... Love.

Ayaw nang pahabain pa ni Daniel ang kanyang sagot kaya tinanong na lamang namin siya kung nagalit ba siya kay Paul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Hindi naman ako nagalit. Yun nga lang, nabastusan lang ako.”

Papatulan ba niya si Paul sakaling umoo ito sa kanyang hamon na basketball match?

Ayon kay Daniel, “Huwag na... hindi, practice muna sila. Huwag na, huwag na.

"Ano lang yun, sa dami lang nung nangyari, narindi lang ako dahil… di ano lang, sa lahat ng nangyari, nakisabay pa siya.

"Bilang artista, dapat alam niya yun."

Nilinaw rin ni Daniel na hindi niya intensiyong kuyugin ng bashers si Paul sa Twitter sa kanyang ginawang pagsagot dito.

Saad niya, “Tama na ang pangba-bash.

"Ako naman, hindi naman intensiyon na ma-bash din siya kaya ko sinagot.

"Sinagot ko siya para malaman niya na alam ko ang ginagawa niya.

"Para alam niya na hindi rin naman ako tatanga-tanga, na puwede lang gaganun-ganunin lang.

"And yun lang naman yun, overall, next, move on na tayo."

Nakausap ng PEP.ph si Daniel sa grand opening ng business venture nitong District 8 Gastropub, sa Greenhills, San Juan City, kagabi, August 17.

Bukod kay Daniel, part-owners din ng nasabing gastropub sina Vice Ganda, James Yap, Marc Pingris, Paul Artadi, former San Juan Vice Mayor Francis Zamora, Charlton Yu, at chef Kel Zaguirre.

Kaya tinawag ang kanilang negosyo na District 8 dahil walo silang naghahati-hati sa capital at trabaho.


BUSINESSMAN DANIEL. Masaya raw si Daniel na naging bahagi siya ng District 8 Gastropub.

Pahayag ng Kapamilya actor, “Siyempre ako, gusto ko rin ng lugar na mapupuntahan ko, mapupuntahan ng pamilya ko, mapupuntahan ng mga kaibigan ko, na anytime puwede kami dumalaw, kumain, mag-enjoy, sumayaw, kumanta.

“'Yan yung mga gusto kong lugar, at pare-pareho kami ng mga partners ko na may mga idea kaming ganun, kaya nabuo din yung District 8."

Ito ang kauna-unahang business venture ni Daniel, at suportado siya ng kanyang inang si Karla Estrada.

Sabi ng aktor, “Siyempre ako, very happy, kahit yung ermat ko sumusuporta sa akin dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At may mga kaibigan ako, na mga partners ko, na magiging gabay para magkaroon din ako ng isang business na kagaya nito.

“I think it’s time na bumuo ng ganito dahil mahirap na maging huli, e.

"Habang maaga, nasisimulan na, natuto na, and yun lang naman yun."

Bukod sa kanyang ina, dumalo rin sa pagtitipon ang girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN