Vice Ganda admits mistake on Tony Calvento issue; says it's not his intention to hurt anyone

IMAGE Noel Orsal

Vice Ganda on making mistakes as an entertainer: "I cannot say na, 'Last na 'yan, hindi na ako makakagawa niyan.' Pero ako, maliwanag sa puso ko na wala akong intensiyong masama sa kapwa, gusto ko lang magpasaya."


Aminado si Vice Ganda na hindi siya perpekto kaya paminsan-minsan ay nakakagawa siya ng pagkakamali.

Ngunit handa naman daw siyang tanggapin ang kanyang pagkakamali at humingi ng tawad kung kinakailangan.

Kagaya na lamang nang ginawa niya sa beteranong journalist na si Tony Calvento.

Nagalit si Calvento nang ikumpara siya ni Vice sa isang contestant ng "Tawag ng Tanghalan" sa It's Showtime.

Kalaunan ay humingi naman ng public at personal apology si Vice.


Stories We Are Tracking

Vice Ganda issues public apology to Tony Calvento
Vice Ganda issues public apology to Tony Calvento
Tony Calvento threatens to sue Vice Ganda, <em>It's Showtime</em>
Tony Calvento threatens to sue Vice Ganda, It's Showtime
Vice apologizes to Tony Calvento over comparison
Vice apologizes to Tony Calvento over comparison

Pahayag ni Vice tungkol dito, “Alam mo, ever since, I have always been saying this, I'm not a perfect person. I’m not a perfect entertainer.

“Every now and then, magkakamali ako sa mga ginagawa ko, kasi tao lang ako.

"Pero hindi rin ako magsasawa na humingi ng paumanhin sa lahat ng mga pagkakamaling magagawa ko.

"Kasi I cannot say na, 'Last na ‘yan, hindi na ako makakagawa niyan.'"

Diin pa niya, “Pero ako, maliwanag sa puso ko na wala akong intensiyong masama sa kapwa, gusto ko lang magpasaya.

"Nagkakamali lang ako."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice sa grand opening ng District 8 Gastropub, sa G-Strip Greenhills, San Juan City, nitong Huwebes ng gabi, August 17.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN